Ako ay si Keana Rose T. De Los Santos, labing-siyam na taong gulang na pinanganak noong Junyo 26, 2005. Ako ay nag-iisang anak lamang ng aking ama a ina. At isang mag-aaral ng Lyceum of Alabang na patuloy na sinusuportahan ng aking mg magulang at kasalukuyang kumukuha ng Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon- Medyor sa Filipino. Ako ay nakapagtapos ng elementarya sa Southville 3-A Elementary School at sekondarya sa Southville 3-A National High School. Sa Senior High School naman, ako ay nakapagtapos sa Lyceum of Alabang at dito na rin ako nagpatuloy ng pag-aaral ng kolehiyo. Sa aking kolehiyo, ako ay nasa ikalawang taon na ng pag-aaral at patuloy na nagsusumikap na matapos ang aking kinuhang kurso.
Bukod sa aking mga antas ng pinag-aralan. Ako ay isang masiyahin at palakaibigan na tao. Mahilig din akong malkihalubilo at makipag-kaibigan sa ibang tao at masaya ako na mayroon akong napapasaya na tao sa aking paligid. Hilig ko din ang pagkanta at pagbabasa ng mga libro. Ito ang aking ginagawa kapag mayroon akong "free time". At mahilig din akong makinig ng iba't-ibang musika.