Matatagpuan sa bukana papasok sa aklatan kung saan isinasagawa ang pagpapahiram at pagsasauli ng mga aklat gayundin ang pagtanggap ng mga katanunganna siyang pangunahing serbisyo ng aklatan. Dito rin matatagpuan ang logbook para sa pagpapatala ng kliyente at baggage counter para sa pagdedeposito ng kanilang mga gamit.
Lugar para sa libreng pagsasagawa ng maliitang pagtitipon tulad ng pagpupulong, pagsasanay, film showing, at iba pang gawaing may kaugnayan sa edukasyon.
Binubuo ng anim na computer na kinapapalooban ng online at offline services. Ang Tech4ED Center ay proyekto ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nagkakaloob ng access saICT-enabled services at link para sa serbisyo ng gobyerno at application forms tulad ng BIR, NBI, NSO, SSS, Alternative Learning System (ALS), Learning English Application for Pinoys (LEAP), at iba pa. Ang E-Library Service naman ay nagkakaloob ng libreng access sa internet at Tekno-Aklatan na binubuo ng 21,000 Titles ng Koleksyong Digital.
Naglalaman ng mga posters at docufilms mulasa iba’t ibang temang tampok sa DocuFest at Docu Special na magagamit bilang malikhaing educational materials na tumatalakay sa kasaysayan, kultura at sining ng lalawigan. Ang mga ito ay nakalagay sa isang computer na maaaring ma-access ng mga kliyente ng aklatan lalo na ng mga mag-aaral at mananaliksik.
Search tool na nasa isang computer na maaaring magamit ng kliyente para sa mabilis na paghahanap ng nakalimbag na mga libro, journal at iba pang koleksyon ng aklatan.
Proyektong ipinagkaloob din ng DICT para sa libreng pag-access ng wifi ng kliyente ng aklatan gamit ang sariling gadget tulad ng cellular phone, laptop at iba pa.