Naglalaman ng mga pambatang aklat, mga laruang pang-edukasyon at mga board games.
Naglalaman ng lokal at banyagang koleksyon ng general encyclopedic work tulad ng Diksyonaryo, Almanac, Yearbook, Atlas, Direktoryo, Handbook, Manual, Abstract at iba pa.
Naglalaman ng koleksyon at mga publikasyon tungkol sa Pilipinas at sa mga aspeto nito̶-pangkultura, pampulitika, sosyolohiya, panrelihiyon, pang-ekonomiya at iba pa.
Ang pinakamalaking koleksyon ng mga aklat sa iba’t ibang disiplina ay matatagpuan sa seksyong ito tulad ng Pilosopiya, Relihiyon, mga Agham Panlipunan –Sosyolohiya, Ekonomiya, Istatistika, Batas, Edukasyon at Pampublikong Administrasyon,mga Wika, Purong Agham, Teknolohiya, mga Sining, Literatura, Kasaysayan, at Heograpiya.
Koleksyon ng lahat ng lokal at banyagang journal, magasin, dyaryo, publikasyon ng pamahalaan at iba pang pampanitikang serye. Ang koleksyon ng seksyong ito ay maaari lamang gamitin sa loob ng aklatan.
Koleksyon ng mga aklat at publikasyon patungkol kay Dr. Jose Rizal na naglalaman ng kanyang literatura, talambuhay, mga larawan at iba. Kabilang din dito ang mga liham ni Rizal na isinalin sa iba’t ibang wika.
Koleksyon ng aklatan na naglalaman ng mga materyales at publikasyon patungkol sa Bulacan. Partikular ang koleksyong ito sasining at kultura, mga pamana at kasaysayang lokal ng lalawigan.
Bangko Sentral ng Pilipinas Collection- koleksyon ng mga aklat at iba pang babasahin ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Layunin nito na makapagkaloob ng kaalamang pang-ekonomiya at pananalapi sa publikosa pamamagitan ng programa nitong Knowledge Research Network.
Karamihan ng koleksyong ito ay ipinagkaloob ng CHED Region 3 at mula sa iba pang pribadong institusyong pang-edukasyon at indibidwal. Ito ay maaari lamang gamitin sa loob ng aklatan.