Sa Pagitan ng mga Letra: Isang Musikal, isinulat ni John Lloyd A. Escaler at hango sa buhay ni Liliosa Hilao, ay isang makabayang dula na nagaganap noong 1973 sa gitna ng Martial Law in the Philippines sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Isinasalaysay nito ang kwento ni Lili, isang matapang na campus journalist na gumagamit ng kanyang panulat at sining upang ilantad ang katotohanan at labanan ang pang-aabuso ng diktadura, kasama ang kanyang mga kapatid na sina Winfred, Josefina, at Marie na nahaharap din sa panganib dahil sa kanilang paninindigan. Habang patuloy ang kanilang pagsusulat at pakikibaka para sa kalayaan, unti-unting tumitindi ang banta ng militar hanggang sa dakpin si Lili at dalhin sa Camp Crame, kung saan siya pinahirapan at tuluyang namatay, na naging simbolo ng karahasan at pang-aapi noong Martial Law. Sa kabila ng trahedya, ipinapakita ng dula na ang kanyang sakripisyo ay nagiging inspirasyon sa marami upang ipagpatuloy ang laban para sa katotohanan, hustisya, at tunay na demokrasya, na nagpapaalala na sa pagitan ng mga letra at kwento ng kasaysayan ay nananatiling buhay ang tinig ng bayan.