The serene and tranquil aura of Mt. Amandiwing is said to bring peace and reassurance to the people inhabiting the area. But what they don’t know is the dark and mystical secret that lies behind it. Farmers, mountaineers, and some residents often disregard the uneasiness when trekking the mountain. From the tall peak and wide ranges of Mt. Amandiwing, a dark and mystical legend is dying to be told.
Ito ay itinanghal ng Teatro Kaanyag na binubuo ng mga mag-aaral mula sa SPA G7 at G8 Theater Arts noong ika-10 ng Marso, 2020. Hango sa baliksaysay ni Victoria De Veyra na inilathala ni Faine Angela Caones, isa na namang kwento ang itatanghal ng mga aktor mula sa Teatro Kaanyag! Alamin ang natatagong hiwaga at misteryong kwento ng "Amandiwing" sa panulat at direksyon ni Sir Jay Ralph B. Matobato
Dalawang nilalang na ibinuklod ng tunay at wagas na pagmamahal. Nangakong magmahalan hanggang sa dulo ng walang hanggan. Ngunit kung sa paglipas ng panahon ay tila mailap sa kanila ang kapalaran. Hanggang sa nangyari ang 'di nila inaasahan. Hanggang saan nila kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Hanggang saan kaya nilang isugal at hanggang saan kaya nilang panindigan ang tunay na nararamdaman.