I am Clowny of Tubbataha, bumibida sa bata at masa.
Ni: Hagorn
Inilimbag noong Enero 11, 2025
LIBRONG PAMBATANG BUSOG SA KAALAMAN. Hinangal sa madla, ang librong " I am Clowny of Tubbataha, praying" na tumutukoy sa konserbasyon ng dagat at pangangalaga.
Nasaan na kaya si mama? Ako’y matutulog na at hindi pa siya nakakapagbasa, ‘yan ang palaging gusto ni Maria, hindi siya magiging masaya pag ito’y nakalimutan niya. Ang babasahin pa naman ng ina ay ang librong paborito niya ginawa para sa batang edad walo hanggang labindalawa, ngunit pati magulang ko, na engganyo na.
Hindi nako magtataka kung bakit ito’y nagustuhan, gawang Palawan ba’ naman, ito ang librong pang kabataan, "I am Clowny of Tubbataha, Praying" ang pangalan, Ang unang edisyon, ay nailambag noon pang 1998, kaya kamakailan lang, Disyembre 10, 2024, nilabas na ang pangalawa, obra ni John Erimil Teodoro, kasama si Raphael Levi Arnan, ang kanyang tagaguhit na dalubhasa.
Ayon kay Arnan, ginawa niya ang pagguhit sa iba’t ibang lupalop ng Asya at naibalik ang pagmamahal sa likhang sining niya.
“I rediscover my passion in arts after years of ministry work, I work this piece in airports across Palawan, Manila, Korea, and Thailand”
Ang Tubbataha Management ay nakipag sanib puwersa sa IBBY Philippines para mailimbag na, umabot sa isang libong kopya ang naipamigay ng libre sa mga paaralan ng Puerto Princesa. Nilabas kasabay ang Ika-31st na anibersayo ng Tubbataha Reefs Natural Park bilang UNESCO World Heritage Site.
Sa pahayag kay Atty. Teodoro Jose Matta, PCSD executive director, naging mahalaga ang libro upang makapagbigay ng pagpapakilala tungkol sa kalikasan at yaman, hindi lang ng Palawan.
“The book really emphasized the author’s goal; it is the raising of awareness for the biodiversity and conservation globally” aniya.
SCI-TECH
PAGONG NA PAUBOS, TULUNGAN NG LUBOS
Sundan ang pag-reskyu, sa Turtulad ko
Ni: Hagorn
Inilimbag noong Enero 11, 2025
RESKYU-TURT. Alagang hayop sa loob ng tubigang palanggana-umuunting bilang. Ngunit sa tulong ng mga munting kaibigan ay bilang namin hindi mababawasan
Mabagal akong maglakad, bitbit ang bahay kong mabigat. Ang panganib ay malapit saking palad, sa lahat ng oras ako’y hindi kampante, ang kinabukusan ko ay hindi latad, kaya ako'y nagpapasalamat sa taong tumulong na maligtas ang tulad kong makupad.
Pangalan ko’y Sunda Box Turtle, nasagip ako at nasa pangangalaga ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) ngayon lamang ika-2 ng Enero, taong kasalukuyan at hindi na pinapabayaan. Nakita ako ni Rogelio Dumaran, mula sa syudad ng Puerto Princesa.
Siyentipikong pangalan ko ay Cuora cf. couro, isa sa mga nanganganib ng maubos at itoy nakabasa sa PCSD Resolution No. 23-967, ang PCSD ay may layuning mapalaganap ang rescue and operation para sa amin, isa lamang ito sa nagpapakita na kailangang pahalagahan ang mayamang kultura ng Palawan.
Kung may nalalamang ang katulad kong pagong ay nakita at gustong ibalik sa kostudiya, ipagbigay alam sa telepono ng Wildlife Rescue Team 0931 964 2128 at 0965 662 0248, puwede rin naman sa opisyal na facebook page ng PCSD.
Ang pagka-rescue ko ay isang pahiwatig na tuluyan na ngang nauubos at nasisira ang “fauna” ng rehiyon.
KAPALI-CLEAN UP
Ni: Alena
Inilimbag noong Enero 11, 2025
BERDENG PUSO SA KALIKASAN. Sa pusong bumeberde, Inang Kalikasan ay ingatan! Bawat proseso ang gawin para sa ikakalinis ng ating kagandahang taglay.
“Mahalin ang Inang Kalikasan”. Iyan ang madalas na linyA na maririnig sa ilan sa tuwing pag-uusapan na nararapat pangalagaan ang kapaligiran. Huwag abusuhin at nararapat na pangalagahan.
Ang Philippines Marines at mga marino mula sa Marine Battalion Landing Team -9 (MBLT -9) ay nagsasagawa ng Coastal Cleanup sa Kalayaan Islands Group (KKG) sa West Philippine Sea. Ang inisyatiba ay pinangunahan nina Major Rommel Geli at Brigadier General Antonio Mangoroban Jr.
Ang KIG ay isang ecologically sensitive at geopolitically significant region na kilala sa marine biodiversity nito.
Ang mga marine debris, partikular na ang mga plastic na bote at wrapper, ay madalas na nahuhugasan sa pampang, karamihan sa mga ito ay mula sa mga kalapit na bansa.