I am Clowny of Tubbataha, bumibida sa bata at masa.
Ni: Hagorn
Inilimbag noong Enero 11, 2025
I am Clowny of Tubbataha, bumibida sa bata at masa.
Ni: Hagorn
Inilimbag noong Enero 11, 2025
LIBRONG PAMBATANG BUSOG SA KAALAMAN. Hinangal sa madla, ang librong " I am Clowny of Tubbataha, praying" na tumutukoy sa konserbasyon ng dagat at pangangalaga.
Nasaan na kaya si mama? Ako’y matutulog na at hindi pa siya nakakapagbasa, ‘yan ang palaging gusto ni Maria, hindi siya magiging masaya pag ito’y nakalimutan niya. Ang babasahin pa naman ng ina ay ang librong paborito niya ginawa para sa batang edad walo hanggang labindalawa, ngunit pati magulang ko, na engganyo na.
Hindi nako magtataka kung bakit ito’y nagustuhan, gawang Palawan ba’ naman, ito ang librong pang kabataan, "I am Clowny of Tubbataha, Praying" ang pangalan, Ang unang edisyon, ay nailambag noon pang 1998, kaya kamakailan lang, Disyembre 10, 2024, nilabas na ang pangalawa, obra ni John Erimil Teodoro, kasama si Raphael Levi Arnan, ang kanyang tagaguhit na dalubhasa.
Ayon kay Arnan, ginawa niya ang pagguhit sa iba’t ibang lupalop ng Asya at naibalik ang pagmamahal sa likhang sining niya.
“I rediscover my passion in arts after years of ministry work, I work this piece in airports across Palawan, Manila, Korea, and Thailand”
Ang Tubbataha Management ay nakipag sanib puwersa sa IBBY Philippines para mailimbag na, umabot sa isang libong kopya ang naipamigay ng libre sa mga paaralan ng Puerto Princesa. Nilabas kasabay ang Ika-31st na anibersayo ng Tubbataha Reefs Natural Park bilang UNESCO World Heritage Site.
Sa pahayag kay Atty. Teodoro Jose Matta, PCSD executive director, naging mahalaga ang libro upang makapagbigay ng pagpapakilala tungkol sa kalikasan at yaman, hindi lang ng Palawan.
“The book really emphasized the author’s goal; it is the raising of awareness for the biodiversity and conservation globally” aniya.