ANDAP NA SERBISYO
Ni: Alena
Inilimbag noong Enero 11, 2025
ANDAP NA SERBISYO
Ni: Alena
Inilimbag noong Enero 11, 2025
Nakakainis. Tunay na nakayayamot. Iyan lamang ang ilan sa tumpak na salita na maihahalintulad sa aandap-andap na kuryente rito sa lalawigan ng Palawan. Bunsod nito, ang National Electrification Administration (NEA) ay gumawa ng hakbang at ipinunto ang mga palyang paghawak ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) board of directors sa tatlong distrito.
Ayon kay Glaizy Javillonar, isang mamamayan ng bayan ng Roxas, aniya, “Mabuti na ‘yan na palitan sila dahil sa hindi magandang hatid nilang serbisyo. Panay patay-sindi pa ang kuryente, nakadadagdag sa matinding init ng panahon.” May punto ang kanyang saloobin sapagkat tunay na palaging palya ang hatid nito serbisyo sa buong lalawigan ng Palawan.
Dagdag pa rito ang naging tugon ng NEA sa pagkukulang ng dating board of directors ay nakikita ng ilan na hindi timbang.
Sa kabilang dako, iginiit naman ng PALECO ang madiskarteng papel nito upang masigurado ang sekuridad ng enerhiya at abot kayang serbisyo sa Palawan na mas binibigyang diin nito.
Gayunpaman, ipinaliwanag ng NEA ang dahilan ng pagpapaalis sa Board ay kailangan.
Ang nasabing hakbang ng NEA ay malinaw na nagpapakita ng pakay na palakasin at hindi pahinain ang electric cooperatives. Kaya’t ang nagawang aksyon nito ay isa lamang sa nararapat gawin sa hindi makatuwiran at andap na serbisyo.
Sa kabila ng sabay-sabay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang Department of Agriculture (DA) ay nag-implementa ng suhestiyon sa retail prices na 58 bawat kilo para sa mga na-import na bigas. Ang nasabing desisyon ay sumusunod sa malawak na konsultasyon sa mga importers, retailers, at rice industry stakeholders.
Ang maximum suggested retail price (MSRP) ay naglalayong balansehin ang kapakanan ng mga konsyumer at ang pagpapanatili ng rice industry. Tinukoy rin na ang nasabing implementasyon ay mangyayari sa lungsod ng Metro Manila. Dagdag pa rito, ito’y susuriin bawat buwan upang matiyak at tuluyang ayusin ang global rice price trends.
Sa kabilang banda, suportado naman ng Department of Trade and Industry (DTI) ang DA sa pagmamasid at pagpapatupad sa MSRP. Kamakailan din lamang sa konsultasyon na isinagawa ay kabilang ang government offices, tulad ng DTI, Department of the Interior and Local Government, Department of Finance, at Philippine National Police. Malinaw na ipinapakita rito ang sama-samang tulungan ng bawat ahensya ng gobyerno upang maging tuloy-tuloy ang tagumpay sa na-implementang suhestiyon.
Sa huli, ang mga inisyatibong ito ay nakahanay sa mga nagawang pagsisikap ng gobyerno para masigurado ang sekuridad ng pagkain at pantay na presyo para sa mga konsyumer na Pilipino.
KOLUMN
Patakaran ng halalan
Ni: Alena
Inilimbag noong Enero 11, 2025
Hindi pa nagsisimula ang petsa ng eleksyon ngunit kita na nang dalawang mata ang samu’t saring nakapaskil na mukha sa bawat gilid ng dinaraanan. Kaya’t hinimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga pulitiko na tanggalin ang mga billboard, poster, at iba pang early campaign materials bago ang May 12, 2025 eleksyon.
Ayon sa Republic Act 9369, na ang mga kandidato ay maituturing lamang na opisyal lamang kapag nagsimula na ang campaign period. Dahil dito, ang lahat ng susuway at mabigong tangalin ang mga campaign materials sa ibinigay na takdang oras ay madiskwalipika.
Para sa akin, sang-ayon ako sa ipinatupad na ito dahil nakakaabala lamang ito sa mga daan at wala rin itong tulong hanggat hindi pa rin nagsisimula ang eleksyon.