Humulagpos na koneksiyon sa LA28
Ni: Pirena
Inilimbag noong Enero 11, 2025
KINIDLATANG KULAY. Tinik ng kulay na mapaghusga – purong bibig ng mamamayang chismoso’t chismosa ang tila kumakalabit sa katotohanan.
“Above politics.” Iyan ang linyang pinalamon ng Los Angeles Olympics 2028 Organizers sa madla nang magkaroon ng mainit init na usapin sa medya patungkol sa kulay ng mundong larong pampalakasan.
Hindi hinayaan ng madla na palagpasin ang usaping ito, isang mabigat na isyu at lahat ng nasasakupan sa larangan ito ay maapektuhan. Kailangan ng matibay na sagot ng LA28 Committee ayon sa pahayag na kumakalat.
“MALINAW SA MALABO”
Isang matulis na pangako naman ng LA28 Committee ang binigay sa mga politiko na walang mangyayaring kaguluhan sa pagitan ng dalawang panig. Agad-agad din naipakita sa madla at mga politiko ang nais ipaliwanag patungkol sa malabong mainit na usapin.
Ayon sa pahayag ni LA28 Chairman Casey Wasserman, sa mundo ng larong pampalakasan - sa usapin ng kulay, wala itong koneksiyon sa mga usaping politiko, at hindi hahayaang masira ang politiko.
“The colors of red, white, and blue are not interrupting anyone or anything in the world of politics. We don’t have any bad intention to them, the colors are only colors” Ani ni Wasserman
“AKYAT SA KAAYUSAN”
Tagumpay na nabigyan ng angkop na sagot para sa kumakalap na isyu sa pagitan ng dalawang panig. Hindi umabot sa malaking hantungan na mala-rayot ang away sa loob ng matataas na posisyon.
Ayon sa LA28 Committee, malakas ang aming loob na magkakaroon ng maayos na pagsasamahan sa amin ng mga politiko, pagkatapos ng ilang hindi pagkakaunawa sa bawa’t isa.
“We are confident in working smoothly with the incoming Trump administration, after all the conflicts
between us” Saad pa nito.
Sa kulay ay walang binibigay na anumang mensahe, purong kulay lamang sa larangan ng mga atleta. Sa mundo ng mga politika ay may sari-sariling kahulugan. Sa dalawang panig ay hindi magkapareho ang bawat mensaheng nakatago rito.
Ni: Pirena
Inilimbag noong Enero 11, 2025
SIPA’T SAKIT. Sa sakit, gintong medalya ang malalasap – malalasap sa bawat buhis-buhay na ensayong makapagsungkit lamang ng gintampala.
Leeg ng Giraffe – abot ang namimituing bituin sa itaas, tila bang walang makakaabot na sinuman. Isinilang sa bansang wala kang makikitang Giraffe, ngunit ang anyo nito ay maikukumpara mo sa astig na ito.
Sinagupa ng tinik na binti – binting mala-leeg ng Giraffe ni Tachiana Mangin ang gintong medalya sa Women’s -49kg class in World Taekwondo Junior Championships, ang ikauna-unahang Filipina na umarangkada sa ilang tatlong dekada sa larangan ng taekwondo.
Ayon kay Mangin, ang makapagbigay ng karangalan sa kaniyang bansa at sarili ay isang napakalaking kasiyahan sa kaniyang puso at ambag para sa bansa upang masilayan ang mga talento ng purong Pilipino.
“Isang karangalan po na matawag na isang the first Filipina na makapagsungkit ng medalya sa, ikinatuwa ito ng aking puso dahil nabigyan ako ng oportunidad na maipagmalaki ang aking sarili at bansang sinilangan.” Ani pa nito.
Pursigidong ensayo naman ang ginagawa ni Mangin para sa susunod niyang laban, mahaba pang preperasyon ang gagawin na tunay ngang tatambakan ng gintong gantimpala ang kaniyang silid.
Isports Editoryal
Tingkad sa Tenga
Ni: Pirena
Inilimbag noong Enero 11, 2025
Sa larangan ng larong pampalakasan, ang kulay na iyong masisilayan ay nangingibabaw sa mga atletang taos-pusong pinaglalaban ang purong talentong kanilang sinilangan. Ngunit sa kabila ng malaking pader, ang mga dinagsang bibig ng ilang tirano sa tuktok ay lumalagpas - umaabot sa ilang kabahayan na mala-chsimoso’t chismosa ang atake.
Ang kulay ay isang kulay lamang! Walang mensaheng binubuga na ikakasira sa itaas. Ihiwalay ang kulay ng mga politiko sa larangan ng pampalakasan. Timpla ng sambayanang atleta sa kulay na nagrerepresenta sa kanila, hinding-hindi tinatambakan ng masasamang salita sa mundo ng politika. Inosente ang kulay sa mga mala-virus na isyung kumakalat sa lipunan.
Smasher's, isinubsob ang Angels
Ni: Pirena
Inilimbag noong Enero 11, 2025
LAKAMBINI SA BAKURAN. Pagpapatunay sa pamagat, pawis at pagod ay swak na swak sa gintampala ng mga kamay ng mga Smashers.
Creamline Cool Smashers “The Defending Champion” winalis sa sariling bakuran ang Petro Gazz Angels sa 2024-25 PVL All-Filipino Conference noong ika-16 ng Nobyembre 2024.
Ayon kay Bernadeth Pons player ng Creamline, ang pagtulo ng kanilang pawis sa kani-kanilang mga katawan ay nagbabahagi ng pag patunay sa “Defending Champion” at mga sakripisyo na ginawa.
“Masayang pinatunayan namin ang title na “Defending Champion” at matalo ang Petro, dahil sa bawat tagak-pawis ay nagrerepresenta ito sa aming mahabang preperasyon para rito.” Anya pa ni Pons
Sa huling set ng laban, umaarangkadang singko ng Smashers na si Pangs Panaga ang nakapag sungkit ng natitirang puntos upang mapatunayan ang “Defending Champion” na pamagat para sa koponan.
Hanggang sa huling upuan ang Creamline Cool Smashers pa rin ang nakaupo sa tuktok, na nagpapatunay na sila ang mga lakambini sa larangan ng Volleyball sa Pilipinas.