OLYM-TICS!
Humulagpos na koneksiyon sa LA28
Ni: Pirena
Inilimbag noong Enero 11, 2025
OLYM-TICS!
Humulagpos na koneksiyon sa LA28
Ni: Pirena
Inilimbag noong Enero 11, 2025
KINIDLATANG KULAY. Tinik ng kulay na mapaghusga – purong bibig ng mamamayang chismoso’t chismosa ang tila kumakalabit sa katotohanan.
“Above politics.” Iyan ang linyang pinalamon ng Los Angeles Olympics 2028 Organizers sa madla nang magkaroon ng mainit init na usapin sa medya patungkol sa kulay ng mundong larong pampalakasan.
Hindi hinayaan ng madla na palagpasin ang usaping ito, isang mabigat na isyu at lahat ng nasasakupan sa larangan ito ay maapektuhan. Kailangan ng matibay na sagot ng LA28 Committee ayon sa pahayag na kumakalat.
“MALINAW SA MALABO”
Isang matulis na pangako naman ng LA28 Committee ang binigay sa mga politiko na walang mangyayaring kaguluhan sa pagitan ng dalawang panig. Agad-agad din naipakita sa madla at mga politiko ang nais ipaliwanag patungkol sa malabong mainit na usapin.
Ayon sa pahayag ni LA28 Chairman Casey Wasserman, sa mundo ng larong pampalakasan - sa usapin ng kulay, wala itong koneksiyon sa mga usaping politiko, at hindi hahayaang masira ang politiko.
“The colors of red, white, and blue are not interrupting anyone or anything in the world of politics. We don’t have any bad intention to them, the colors are only colors” Ani ni Wasserman
“AKYAT SA KAAYUSAN”
Tagumpay na nabigyan ng angkop na sagot para sa kumakalap na isyu sa pagitan ng dalawang panig. Hindi umabot sa malaking hantungan na mala-rayot ang away sa loob ng matataas na posisyon.
Ayon sa LA28 Committee, malakas ang aming loob na magkakaroon ng maayos na pagsasamahan sa amin ng mga politiko, pagkatapos ng ilang hindi pagkakaunawa sa bawa’t isa.
“We are confident in working smoothly with the incoming Trump administration, after all the conflicts
between us” Saad pa nito.
Sa kulay ay walang binibigay na anumang mensahe, purong kulay lamang sa larangan ng mga atleta. Sa mundo ng mga politika ay may sari-sariling kahulugan. Sa dalawang panig ay hindi magkapareho ang bawat mensaheng nakatago rito.