NEA: Sinibak ang PALECO Board of Directors
Ni: Hagorn
Inilimbag noong Enero 11, 2025
NEA: Sinibak ang PALECO Board of Directors
Ni: Hagorn
Inilimbag noong Enero 11, 2025
INIT NG PANAHON, NAMUMUTAWI. Kita sa balat ang init ng nararanasan. Ang bahid ng pawis na 'di maiiwasan, dulot ng PALECO na lahat ay naaapektuhan.
Pinatalsik ng National Electrification Administration (NEA) ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) Board of Directors dahil sa sunod sunod na pagpalya ng daloy ng kuryente sa tatlo nitong distrito sa lalawigan ng Palawan sa nakalipas na ilang taon.
Ayon sa NEA, wala silang nakitang magandang progreso sa dating mga PALECO Board’s, habang naglagay na ang mga ito ng mga pansamantalang pumalit sa mga natanggal sa puwesto upang mapagpatuloy ang takbo ng kumpanya.
“The procedural lapses by the previous Board are seen by some as disproportionate and we appointed an interim management team to replace the fired Board of Directors” sambit ng NEA.
Ang PALECO ay isang pribadong kooperatiba na pagmamay-ari ng member-consumer-owners (MCOs) at kailangang proteksyonan ang interes ng mga konsyumer nito, kaya naman nag-imbestiga ang NEA sa kahina-hinalang nangyayari sa loob ng kooperatiba upang mapahalagahan ang mga miyembro nito.
Sa panayam ng pahayagang “Ang Encantadia” sa PALECO, kinakailangan umano nila ng matinding estratehiya para sa seguridad ng kuryente, gawing presyong pang-masa habang kasama umano nito ang gobyerno. Dagdag pa nito ang pagbibigay prayoridad ng bagong halal sa kagustuhan ng MCO.
“Our plan is to ensure the affordability and energy security of Palawan. The new management team is commited to give priority in the interest of their MCO” pahayag nila.
Liban rito, ang aksyon ng NEA ay nagdulot ng pagkakabuwag ng awtonomiya at ang pagiging independensiya nito kaya magiging mahirap nag pagbabalik ng tiwala ng PALECO na kinakailangan ng detalyadong katwiran mula sa NEA.
IRR ng Magna Carta, inaprubahan na
Ni: Hagorn
Inilimbag noong Enero 11, 2025
Nalagdaan na ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Magna Carta para sa mga marinong pilipinong naglalayag na pinangunahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacda katuwang si Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Sonia Malaluan, at Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos, tatlong buwan matapos ang law enactment.
Layunin ng programa na magpatayo ng One-Stop Shop Centers, patas na medical treatment, pagprotekta sa mga babae laban sa pang-aabuso at diskriminasyon, mas magandang pag-eensayo, maritime education, kaligtasan nito sa karagatan at makabagong pasilidad para sa mga pilipinong marino.
Liban pa rito, kasama rin sa nagpatupad ay ang Department of Labor and Employment (DOLE) makakasiguro rin ang mga seafarers sa kalagayan ng kanilang pamilya dahil kabilang rin ang mga ito sa mithiin ng programa, habang iniutos ni Pang. Marcos na agarang ma-implementa ang Magna Carta upang maging maayos na ang kalagayan ng mga marinong pumapalaot sa buong mundo.
DA: Binaba sa Php58 ang MSRP ng bigas
Inilimbag noong Enero 11, 2025I
ni: Imaw
Itinakdan a umabot ng limangput walang pesos bawat kilo ang imported rice ayon sa Department of Agriculture (DA) na ito ang maximum suggested retail price (MSRP) na magaganap sa Metro Manila.
Ang (MSRP) ay para mabalanse ang consumer welfare at ang sustainability ng rice industry. Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) na sinusuportahan nila ang DA sa pagmomonitor at pagpapatupad sa (MSRP). Dating (DA) consultations kasama ng Department of the Interior (DTI) at Local na Gobyerno, Department of Finance, at Philippine National Police.
5% ang imported broken rice ay mayroong bilang hindi tataas ng 58 pesos per kilo, ayon sa profit margins ng importers at retailers. Pagtataas ng presyo ng bigas na mayroong mataas na persyento ng sir ana palay ay dapat mababa sa nasabing presyp.