NEA: Sinibak ang PALECO Board of Directors
Ni: Hagorn
Inilimbag noong Enero 11, 2025
NEA: Sinibak ang PALECO Board of Directors
Ni: Hagorn
Inilimbag noong Enero 11, 2025
INIT NG PANAHON, NAMUMUTAWI. Kita sa balat ang init ng nararanasan. Ang bahid ng pawis na 'di maiiwasan, dulot ng PALECO na lahat ay naaapektuhan.
Pinatalsik ng National Electrification Administration (NEA) ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) Board of Directors dahil sa sunod sunod na pagpalya ng daloy ng kuryente sa tatlo nitong distrito sa lalawigan ng Palawan sanakalipas na ilang taon.
Ayon sa NEA, wala silang nakitang magandang progreso sa dating mga PALECO Board’s, habang naglagay na ang mga ito ng mga pansamantalang pumalit sa mga natanggal sa puwesto upang mapagpatuloy ang takbo ng kumpanya.
“The procedural lapses by the previous Board are seen by some as disproportionate and we appointed an interim management team to replace the fired Board of Directors” sambit ng NEA.
Ang PALECO ay isang pribadong kooperatiba na pagmamay-ari ng member-consumer-owners (MCOs) at kailangang proteksyonan ang interes ng mga konsyumer nito, kaya naman nag-imbestiga ang NEA sa kahina-hinalang nangyayari sa loob ng kooperatiba upang mapahalagahan ang mga miyembro nito.
Sa panayam ng pahayagang “Ang Encantadia” sa PALECO, kinakailangan umano nila ng matinding estratehiya para sa seguridad ng kuryente, gawing presyong pang-masa habang kasama umano nito ang gobyerno. Dagdag pa nito ang pagbibigay prayoridad ng bagong halal sa kagustuhan ng MCO.
“Our plan is to ensure the affordability and energy security of Palawan. The new management team is commited to give priority in the interest of their MCO” pahayag nila.
Liban rito, ang aksyon ng NEA ay nagdulot ng pagkakabuwag ng awtonomiya at ang pagiging independensiya nito kaya magiging mahirap nag pagbabalik ng tiwala ng PALECO na kinakailangan ng detalyadong katwiran mula sa NEA.