Kaalaman sa kahirapan: Daan tungo sa pangarap ni Llyod Manglapat
✒️Barbie Forteza| Nobyembre 22, 2024
Kaalaman sa kahirapan: Daan tungo sa pangarap ni Llyod Manglapat
✒️Barbie Forteza| Nobyembre 22, 2024
Puno ng aral ang ating paglalakbay sa buhay. Iba-iba man, tuturuan pa rin tayo nito kung paano ang maging matatag at huwag magpatinag sa mga bagyo na ibinibigay sa atin ng buhay. huwag magpatangay sa mga malalakas na alon at magpatuloy sa pagtakbo tungo sa dulo ng karera upang makamit natin ang inaasam nating tagumpay.
Sa mundo nating napupuno ng kaguluhan, laganap pa rin ang paghahasik ng lagim ng mga buwaya sa lipunan, hindi iniisip ang mga taong nasa laylayan na nagbubuwis ng kanilang pagod upang patuloy na mabuhay. Habang sila ay nagsasaya sa piling ng kanilang karangyaan, may mga taong naiiwan sa dulo at naghahanap ng paraan upang madugtungan ang kanilang mga pangarap.
Nang dahil sa korapsyon, nasisimot ang mga benepisyong dapat ay nakalaan sa mga mahihirap na nagduduot ng doble pa nilang pagkayod ngunit sa huli, hindi pa rin ito magiging sapat dahil kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang patuloy na pagtaas ng halaga ng lahat.
Isa si Lloyd sa mga batang tila ninanakawan ng karapatang mangarap dahil sa kahirapan. Mayroon siyang taglay na talino at umaabot sa mahigit 300 ang kaniyang Intelligence Quotient (IQ) kahit pa 13 anyos pa lamang siya. Ang kaniyang mga magulang ay hindi nakaabot sa kolehiyo na lalong nakapagdaragdag sa kanilang hirap.
“Hindi naming alam kung paano sila itataguyod”. Isang magsasaka ang tatay ni Lloyd na si Roberto Manglapat at nagtitinda naman sa palengke ang kaniyang nanay na si Lena Manglapat. Dahil sa kakulangan nila sa kaalaman at hirap ng kanilang buhay, hindi nila alam kung papaano humanap ng scholarship upang kahit papaano ay makatulong sa pag-aaral ni Lloyd at hindi masayang ang natatangi niyang kakayahan.
Hindi pa tapos ang pangarap ni Lloyd, hindi ito ang dulo ng karera kundi simula pa lamang ito ng kaniyang mahabang paglalakbay sa karagatan ng kaalaman. Kahit pa ang kaniyang pangarap ay tila isang bituin na nagbibigay sa kaniya ng liwanag ngunit dahil sa layo ng kaniyang distansya na dulot ng kahirapan ay hirap siyang maabot ito. Pilit na ikinukubli ng kahirapan ang pakpak ng kaniyang mga pangarap na pinipigil siyang patuloy na lumipad. Ngunit wala naman talagang tiyak na limitasyon ang lahat, walang tiyak na hangganan ang mga bagay at ito pa lamang ang umpisa, malayo pa ang kaniyang lalakbayin sa karagatan ng kaalaman.
REKOMENDASYON:
Letra at numero: Mga bagay na naglalaro sa isipan ni Ivan
✒️Barbie Forteza| Nobyembre 22, 2024