Bawat bata dapat nakakapag-aral!
Bawat bata dapat nakakapag-aral!
Hindi lingid sa ating isipan na maraming mga kabataan sa ating bansa sa panahon natin ngayon ang hindi nakakapasok sa mga eskwelahan. Isa ito sa mga ikinabahahala ng mga mamamayan lalong higit ng ating pamahalaan sapagkat habang nadaragdagan ang mga taon ay patuloy na dumarami ang bilang ng mga batang hindi nakakapag-aral. Ang isa sa mga pinakadahilan kung bakit hindi nakakapasok sa mga paaralan ang maraming kabataan sa ating bansa ay ang lumulubhang kahirapan.
Katulad ng ipinahayag ng ina ni Lloyd Manglapat, nananawagan ang kanilang pamilya sa ating pamahalaan at Department of Education (DepEd) na magdagdag pa ng mga programa na maaaring makatulong sa mga kabataang katulad ng kanilang anak na si Lloyd. Si Lloyd ay isang labintatlong taong gulang na napagkalooban ng espesyal na talent. Siya ay mayroong higit sa 300 na Intellectual Quotient, sa kaniyang edad, maituturing ito na hindi normal sapagkat siya ay nasa murang edad at nasa ika-8 baitang pa lamang.
Si Lloyd Manglapat ay maibibilang sa mga kabataan sa ating bansa na nakapagkalooban ng natatanging husay pagdating sa akademiko ngunit nang dahil sa nararanasang kahirapan, hindi naibibigay sa kanila ang kanilang mga kinakailangang pang pinansyal sa kanilang pag-aaral.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), humigit kumulang sa 11 milyong mga kabataan sa ating bansa ang hindi nakakapasok sa paaralan. Lubos din namang nakapagtataka ang kahinaang ipinakita ng mga estudyanteng Pilipino sa larangan ng Math, Science at Reading. Sa resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), ang mga estudyanteng Pilipino ay nakakuha lamang ng 355 points sa math, 356 sa science at 347 sa reading.
Nakababahala ang ganitong report na maraming bata ang napagkakaitang makatuklas ng karunungan sa paaralan. Ang ganitong problema ay hindi nararapat ipagsawalang bahala ng ating pamahalaan. Dapat kumilos ang pamahalaan para matulungang maka-pasok ang mga bata lalo na ang mga anim na taong gulang na dapat ay nasa unang baitang na. Ang gani-tong edad ng mga bata ay nararapat marunong nang magsulat, magbasa at magbilang. Lubhang kaawa- awa ang mga bata kung mapagkakaitang makasulat, makabasa at makapagbilang lalo’t nasa edad na.
Marapat lamang na magsagawa at magpatupad pa ng mga karagdagang programa ang Department of Education (DepEd) sa tulong ng ating pamahalaan na makatutulong sa mga kabataang nasa laylayan upang maipagpatuloy ng mga kabataang ito ang pagkamit sa kanilang mga pangarap. Hindi dapat ipagsawalang bahala ito sapagkat ang ganitong mga kakayahan at oportunidad ay bibihira lamang. Matulungan nawa ang bawat kabataang mahihirap na makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral sapagkat sila malaki ang posibilidad na sila ang magiging daan upang mapaunlad ang ating bansa sapagkat ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.
Marami ang unti-unti nang kumikilala sa LGBTQIA+ bilang ikatlong kasarian ngunit hindi pa rin buong puso na tinatanggap ng lipunan. Karamihan sa kanila ay patuloy pa ring nakakatanggap ng diskriminasyon sa kabila ng kabusilakan ng kanilang puso.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, 42% sa mga estudyanteng kabilang sa LGBTQIA+ ang nakararanas ng diskriminasyon dahil sa kanilang kasarian at walo sa sampung estudyante sa Pangasinan ang naitalang nakararanas ng pambubully.
Upang mabawasan ang matinding epekto ng malawakang diskriminasyon, naglatag ng mga suhestiyon si Violeta Catubaya, presidente ng Bahaghari Organization Pangasinan chapter. Ilan na rito ay ang malayang pagsusuot ng mga estudyante ng uniporme at pagpapahaba o pagpapagupit ng kanilang buhok na naaayon sa nais nila. Pagtatanong sa kanila sa kung paano nila gusting makilala, bilang lalaki ba o babae at ang pagpapatayo ng ikatlong palikuran na para lamang sa kanila.
Ngunit ang pagpapatayo ng ikatlong palikuran ay isang simbolo rin na nagpapakita ng hindi lubusang pagtanggap sa ikatlong kasarian. Ang pagpapatayo ng cr para sa mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual (LGBTQIA+) ay isang patunay lamang na hindi pa rin bukas ang isipan ng nakararami sa pagtanggap ng panibagong kasarian.
Liham sa Patnugutan
Sa patnugutan ng Ang Gintong Ani,
Isang magandang araw po sa inyo! Labis po akong nagagalak sapagkat nakagawa po kayo ng isang mapakagandang pahayagan sa kabila ng nagdaang pandemya sa ating bansa. Nais kong ipabatid sa lahat ng bumubuo ng pahayagan ang aking papuri sa walang sawang pangangalap ng mga impormasyon at pagkalat ng mga balita, at sa tagumpay na inabot nito. Saludo po ako sa inyong patuloy na serbisyo.
Nais ko sanang humiling na mabigyan ng kopya ang bawat mag-aaral upang mabigyan kami ng kalaman sa mga kaganapan sa ating paaralan maging sa ating bayan. Maraming salamat po at nawa’y mapaunlakan niyo ang aking kahilingan.
Gumagalang,
Angel Locsin
Tugon ng Patnugutan
Minamahal naming Binibining Angel Locsin,
Pagbati sa iyo at sa lahat ng mambabasa ng patnugutang Ang Gitong Ani. Nagpapasalamat ang buong publikasyon sa inyong walang sawang pagtangkilik sa bawat sirkulasyon ng aming pahayagan. Ang inyong suporta ang siyang dahilan kung bakit patuloy na naghahatid ng makabuluhan, napapanahon at makatotohanang balita.
Mananatiling nandito ang patnugutan ng Ang Gintong Ani kahit anong pandemya pa ang dumating. Makakaasa kayong ang bawat kopya ng isyung ilalabas ay makakarating sa inyong mga kamay.
Isang karangalan para sa patnugutan ng Ang Gintong Ani na magbigay kontribusyon pagdating sa pagpapakalat ng mga balita. Muli, lubos kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta at pagtangkilik sa aming publikasyon. Ito ay inspirasyon na aming panghahawakan upang magpatuloy sa serbisyo.
Nagpapasamalat,
Ang Gintong Ani
REKOMENDASYON:
✒️Dingdong Dantes | Nobyembre 22, 2024
✒️Dingdong Dantes | Nobyembre 22, 2024