Moregard, kampeon sa 2024 WTT Finals
✒️Jack Roberto | Nobyembre 22, 2024
Moregard, kampeon sa 2024 WTT Finals
✒️Jack Roberto | Nobyembre 22, 2024
UMAAPOY NA HAMPAS. Pinamalas ni Moregard ang kaniyang galing sa table tennis noong nobyembre 22, 2024. | Ang Gintong Ani - Dingdong Dantes
Napasakamay ni Truls Moregard ang kampeonato laban kay Anton Kallberg sa table tennis men’s singles sa nagdaang World Table Tennis (WTT) Champions Montpellier na ginanap sa Infinity Arena, Fukuoka, Japan noong ika-21 ng Nobyembre, 2024.
Nagwagi si Moregard sa pamamagitan ng mga teknik na kaniyang ipinamalas kabilang na ang topspin, windshield service at shop at shop service na nagging daan ng kaniyang pagkapanalo.
“Inaral ko ang galaw ng aking kalaban gayundin ang kaniyang kahinaan nang sa gayon ay mas madali kong makuha ang pagkapanalo,” saad ni Moregard.
Nagsimula ang laro nang hampasin ni Moregard ang bola gamit ang shop service na bigo namang nareceive ni Kallberg kung kaya’t ang unang puntos ay napasakamay ni Moregard.
Hindi nakuha ni Moregard ang pagkapanalo sa unang set sapagkat ginamitan siya ng kaniyang kalaban ng sunod-sunod na high spin serve na nagbunga ng pagkuha niya ng magkakasunod na puntos samahan pa ng push receive at topspin kung kaya’t ang nagwagi sa unang set ay si Kallberg, 13-11.
Nagpatuloy pa ang pagdomina ni Kallberg hanggang sa ikalawang set sapagkat tila nalaman niya ang kahinaan ng kaniyang kalaban kung kaya’t naging Madali na lamang sa kanya ang pagkamit ng pagkapanalo sa ikalawang set, 12-4.
Nang tumungtong sa ikatlong set ay tila nabuhayan ng loob si Moregard upang makabawi kung kaya’t gamit ang itinatago niyang teknik, sunod-sunod na tirada gamit ang topspin, Loop, Chop na nagpahirap kay Kallberg na makalamang kaya naman napasakamay ni Moregard ang pagkapanalo sa ikatlo at ikaapat na set sa iskor na, 12-10 at 12-8.
“Nawalan na kami ng pag-asa noong mga panahong nanalo si Kallberg sa una at at ikalawang set ngunit nabuhayan kami ng loob ng binigyan ako ng katiyakan ni Moregard na siya ay babawi,” iwinika ni coachb smith.
Dahil sa pagkapanalo ni Moregard, tumaas ang kaniyang World Ranking sa larangan ng table tennis mula ikatlong ranko na naging ikalawa na sa taong ito.
REKOMENDASYON:
Hampas para sa kampeonato: Tiyaga at sakripisyo ni Truls Moregard
✒️Jack Roberto | Nobyembre 22, 2024