Paano nga ba naibabalanse ng mga batang mamamahayag ang kanilang pag-aaral at ang journalism? Malaking hamon ito para sa mga kabataang nakasali sa journalism kung paano nito nahahati ang kanilang oras lalong-lalo na sa pagbalanse ng kanilang akademikong pag-aaral. Ilan sa mga kabataang mamamahayag ngayon ay nahihirapan sa kung paano nito maibabalanse ngunit sa kabila ng lahat, may mga paraang ginawa ang mga School Paper Adviser (SPA) upang matugunan ang nasabing hamon na ito.
Sa isang pagpupulong na naganap ngayong Nobyembre 23, 2024 sa Mambajao National High School Covered Court, isa ang Camiguin Association of School Paper Advisers (CASPAA) sa nagbigay ng ilang daan upang matugunan ang nasabing hamon na hinaharap ng mga mamamahayag. Isa na dito ay ang pagsagawa ng Saturday and Sunday training. Ang pagsasagawa ng ganitong training ay isang paraan upang mahati ng mga mamahayag ang kanilang oras na kung saan ay sa Lunes hanggang Biyernes ay nakatutok ito sa kanilang pag-aaral habang sa Sabado at Linggo naman ang pag-ensayo para sa Journalism.
Ngunit, sapat nga ba ang paraan na ito upang matulungan ang mga kabataang mamamahayag sa paghati ng kanilang oras para sa akademiks at journalism? Masasabing hindi naging madali para sa iilang mamamahayag kung paano nito maibalanse ang kanilang pag-aaral at journalism marahil sa kabila ng lahat ng mga daan upang maisagawa ito ay meron pa ring mga kabataan ang namomoblema sa kung papaano ito maibalanse.
Bawat bata ay may iba’t ibang kapasidad lalong-lalo na sa pag-intindi ng kanilang aralin. Isa ito sa masasabing dahilan kung bakit iilan sa mga batang mamamahayag ay nahihirapan sa ng kanilang oras para sa akademiks. Naging mahirap ito para sa kanila lalong-lalo na ang ilan ay nagiging pabaya sa kanilang paggawa dahil sa journalism ngunit, ang ganitong uri ng pang-uugali ay kinakailangang di pairalin marahil ang isang mamamahayag ay kinakailangan na di lamang sa larangan ng journalism magaling kundi kinakailangan na maipakita rin nito na may kakayahan itong maging isang modelo para sa mga kabataang naghahangad na maging mamamahayag.
Sa huli, ang mga CASPAA ay gumagawa pa rin ng mga hakbang upang matulungan ang mga batang mamamahayag sa kanilang pagbalanse. Sa kabila ng lahat ng mga paraan upang matulungan ang mga mamamahayag ay masasabing nasa atin rin ang huling desisyon kung papaano natin ito maibabalanse lahat.
Nasa atin kung papaano natin ito maibabalanse. Tayo ba ang magsisilbing tamad na mamamahayag o ang magsisilbing inspirasyon sa ibang naghahangad na mga kabataan na kayang pagsamahin ang pag-aaral at ang journalism? Kung kakayanin ng iba na magawa ito, di hamak na kaya rin natin itong gawin.