“Your articles should not ruin or harm the community rather it will inform the community". Ito ang mga salitang ibinitawan ni Popai E. Almonia, Bise presidente ng Camiguin Association of School Paper Advisers (CASPAA) secondary sa naganap na presscon noong Nobyembre 23, 2024 sa Mambajao National High School. Ngunit, gaano nga ba kahalaga ang campus journalism sa pagbuo ng mga responsableng mamamayan? Sama-sama nating alamin paano mapanatili ang integridad at ang kahalagahan ng journalism kahit patuloy na nagbabago ang ating mundo.
Sa kasalukuyang panahon, iba’t ibang hamon ang kinakaharap ng journalism, mula sa pagkalat ng maling impormasyon hanggang sa pagbaba ng tiwala ng nga tao sa publiko. Lubos nating kinakailangan ng mapag kakatiwalaan at wastong impormasyon lalong lalo na ngayon. Ang journalism ay hindi lamang tagapagbalita kung hindi boses sa mga taong walang tinig at tagapagtanggol ng katotohanan ng walang kinikilingan. Nagbibigay ito ng karanasan at malawak na opotunidad at nagsisilbing gabay o inspirasyon para sa susunod nating henerasyon ng mga kapwa mag aaral.
Nagbibigay ang campus journalism ng mas maraming pagkakataon sa mga mag aaral upang matuto at masanay sa pag sulat, pag ulat ng balita at pag edit. Bilang isang kabataan, ako ay tiyak na naniniwala na ang pagpapalakas sa mga campus journalist sa lungsod ng Camiguin ay magiging isang malaking hakbang patungo sa mas maalam na komunidad at mas maunlad na lipunan. Ito ay maaaring maging tulay patungo sa magandang kunabukasan na naghihintay. Marami ang naniniwala na ang pagiging parte nito ay patungkol lamang sa pagsusulat ng balita, ngunit ito rin ay nagsisilbing boses ng mga estudyante upang maisulong ang kritisismo at pagbabago hindi lamang para sa sarili, kung hindi pati sa bayan.
Ako ay naniniwala na hindi sapat na talento lamang ang dala ng mga kabataan upang makamit ang tagumpay na aming inaasam, kung hindi pati narin ang pagsasanay dahil ito ay susi upang mas lumakas. Bukod doon, kailangan din ng maayos na pagtuturo at sapat na gabay na nanggagaling sa tagapagsanay patungo sa mga teknikal na aspeto ng journalism kagaya ng pagsulat ng balita, pagkuha ng larawan, pag edit at iba pa. Naniniwala ang mga estudyante sa camiguin na ang pagpapalakas ng mga campus journalist ay may magandang papel o impluwensya sa paghihikayat upang bomoses, pagbibigay kaalaman at pagsulong sa kamalayan.
Sa pangkalahatan, ang mga estudyante sa Camiguin ay naniniwala na mahalaga ang pagpapalakas ng mga campus journalist. Naniniwala sila na ang mga campus journalist ay may mahalagang papel sa pagbibigay ng boses sa mga estudyante. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na suporta at resources, mapapalakas ang mga campus journalist at mas epektibo nilang maisasagawa ang kanilang tungkulin. Natuturo rin ito sa mga prinsipyo ng journalistic ethics katulad na lamang ng pagiging patas at wasto upang magamit ang mga impormasuon sa reponsableng paraan.
Maari pang mas maipalakas ang mga campus journalist sa pamamagitan ng pag papaunlad at pagsasanay, ang pagbibigay ng mga workshop o seminar ay tumutulong upang mas mapahusay ang mga kasanayan sa journalism. Pagkakaruon ng access sa mga resources, nararapat magkaroon ng access ang mga campus journalist sa mga modernong equipment, library, at online resources upang makatulong sa kanilang trabaho. Bukod doon, mahalaga rin ang pagbibigay proteksyon sa mga campus journalist o proteksyon sa kalayaan sa pamamahayag upang malabanan ang ano mang uri ng pagbabanta o panankot laban sa kanila. Dapat isagawa o intindihin ng mga estudyan at mga faculty ang kahalagahan ng kalayaan sa pamamahayag.