Pinuhunan ng Gilas Pilipinas ang di-mapigilang pag buslo ni Jordan Clarkson upang mapaluhod ang China sa FIBA World Cup 2023, 96-75, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Setyembre 2, 2023.
Nagningning na parang tala ang power forward ni Clarkson nang kumada ng 34 puntos habang nakapagtala naman ng 14 na puntos si Rhenz Abando, 12 naman si Kai Sotto mula sa solid na anim na rebounds at 1 assist.
Nakatulong din ang 11 puntos kay Dwight Ramos, June Mar Fajardo anim puntos, dumagdag naman si Aj Edu ng limang puntos at apat na puntos mula kay Scottie Thompson.
Animo sasakyang naibsan ng gasolina ang Gilas sa huling quarter ng humataw ng dalawang puntos si Ramos na nagtuldok sa kanilang panalo.
Ipinasikat ng power forward na si Clarkson ang kaniyang mga back-to-back 3 points na tira na sinubukan pantayan ng China ngunit bigo hanggang naglabas ang Gilas ng dominanteng 34-11 run sa pangatlong quarter at tinapos ang frame sa commanding 73-51 na iskor.
Lalo pang nag init ng sunod-sunod na nagbitiw ng mga lay-ups at two pointers ang Gilas na lalong nagpalugmok sa mga Tsino.
Samantala tagaktak pawis ang Gilas ng ungusan ang China sa pangalawang yugto at naglabas ng mga sunod-sunod na two pointers na nagpayanig sa kalaban.
Tila naghabulan ang kanilang mga marka sa unang yugto nang ibinida ng parehong koponan ang tila pantay na taktika ngunit, lalong nagbuga ng mga three-pointer si Clarkson na sinundan pa ng free-throws hanggang sa tumabla ng 16-16 all.
Habang si Li Kaier ng China at isang NBA veteran na nag laro para sa Minnesota Timberwolves ay nagtala ng 17 puntos, 9 rebounds, at 5 assists.