“Sa taong nagtagumpay sa likod ay may taos puso na taong tumulong”.


Isang kasabihan na kahit nag tagumpay ka ng mag-isa ay may tao paring nakasuporta sayo. Kagaya ng istorya sa buhay ng isang babaeng mamamahayag, kapos sa pera at mahirap, isang suliranin ng kanyang buhay na hindi niya masosolusyonan mag-isa.


Ngunit sa kabila ng paghihirap ng kanyang buhay ay may mga taong tumulong at nagpabago sa kanyang buhay bilang mamamahayag. Nang may sapat na siyang pera panggamit sa kumpetisyon ay may makabuluhang nangyari sa kaniyang buhay.


Isang pangyayari na hindi niya kailanman malilimutan at hindi niya inaakala na nakakuha siya ng tagumpay. Ang mga taong tumulong ay naghatid ng mga bagong oportunidad para sa kanya, at marahil kung walang taong tumulong ay wala ding taong masaya at paghanga sa kanilang sarili sa pagtulong sa isang mamamahayag.


Dahil sa patuloy na supporta sa kanya ay nagpatuloy sya sa paglaban at nagsumikap na makakuha ng tagumpay at naging sukli ang kaniyang tagumpay para sa mga sumuporta sa kaniyang laban. Ang mga tagasuporta ang nagpatulak mismo sa kaniya upang makakuha ng kaniyang ninanais na tagumpay.


Na ngayo’y nagkaroon ng magandang alaala sa kanyang nakaraan bilang mamamahayag dahil ngayon siya ay isang matagumpay na inhinyero. Kaya’t totoo talaga ang kasabihan na iyon, isang kasabihan na nagpahatid sa kaniya ng tagumpay at tulay ng pag-asa.