Magkapatid na nagpahanga sa bawat mamamayan at nagpatakot sa kanilang mga kalaban. Kilala sa bawat medalyang na angkin, ang magkapatid na sina Earl Joy Lopina at Trisha Mae Lopina na kung tawagin ay “The Lopina Sisters.” 

Parang pinagbiyak na bunga sa iisang puno ang magkapatid, di lamang sa angking galing nito sa larangan ng akademiko kundi sa larangan ng journalism. Mga batang naghahangad na maging isang magaling na manunulat, hinahangad na maging magaling at maipamalas ang angking galing sa larangan ng journalism.

Mga batang ang ninanais lamang ay magkaroon ng maliit na gantimapala sa kanilang ginagawa ngunit sa di inaasahan ay may mas malaking gatimpala pa ang kanilang makuha. Sa bawat pagsusulat na ginagawa ay nakilala ang magkapatid at nabigyang parangal na kinilala bilang The Most Outstanding Journalist of the Philippines.

Sa bawat artikulo na nagagawa ay di lamang ang angking talino ang naipapamalas kundi kalakip na ang pagbabahagi ng balitang tampok sa bawat mamamayan na may paninindigan. Isa ito sa mga naipapamalas ng mga magkapatid. 

Napahanga ang mga tao at mismong hurado sa journalism sa kanilang galing na ipinamalas. Mapaisports, editoryal, at balita ay di hamak na may maipapakita ang magkapatid na ito. Sa kanilang kahusayan ay may mga journalist na nag nanais na maging katulad sa kanilang galing at talento. Matagal na ang nakalipas at kilala pa rin ang magkapatid na ito dahil sa kanilang kahusayan.

Isa sa mga ito ay si Trisha Mae na kung saan ay nagtatrabaho na at ipinagpatuloy ang pag-aaral sa komunikasyon habang si Earl Joy naman ay nag-aaral sa larangan ng Social Sciences. Maririing na ang magkapatid na ito ay hinubog upang maging mahusay na manunulat sa larangan ng journalism. Isang biyaya kung tawagin ang ito dahil sa kanilang angking galing at talento na naipamalas sa buong bansa.

Ang magkapatid na ito ay di lamang magsisilbing isang manunulat na nagpapahayag ng impormasyon ngunit magsisilbing modelo sa mga batang naghahangad na maging magigiting na mamamahayag.