ANSWER: Maaaring magkaroon ng Amount or Balance ang iyong E-wallet sa pamamagitan ng mga sumusunod:
(1) Pag-convert ng ACTUAL CASH into E-wallet money or eMoney. Magbibigay ka ng CASH sa Admin ng Alexa Piso WiFi & E-load at ipapasa naman ito sa Account mo bilang eMoney na pwede mo nang gamitin sa pagbili ng WiFi Connection time at E-load (1 eMoney = 1 Peso).
(2) Paghulog ng coins sa Piso WiFi machine (huwag mo i-click ang GO ONLINE habang naghuhulog at hayaang maubos ang timer), tingnan ang Available Coins sa portal at pindutin ang Add to Wallet button (make sure na naka-login ka para matransfer sa E-wallet mo ang amount).
(3) Maaari rin magkaroon ng balance ang iyong E-wallet kung merong ibang Account ang magtra-transfer ng eMoney sa iyong account (Transfer Fund).
ANSWER: Don't worry! Hindi mawawala ang hinulog mong coin(s) kahit hindi mo ito nagamit, makikita mo pa rin ito sa "Available Coins" sa Piso WiFi Portal (see picture). Pwede mo rin ito itransfer sa iyong E-wallet bilang eMoney, click mo lang ang Add to Wallet sa ibaba ng "Available Coins" (siguraduhing naka-Login ka sa iyong Piso WiFi Account). Kung hindi mo ito makita sa portal, subukan mong i-refresh ang portal site.
Take Note: Ugaliing i-check ang coin slot ng Piso WiFi machine. Hindi mag-aappear sa "Available Coins" kapag hindi tinanggap at inilabas lang ng machine ang iyong coin(s).
ANSWER: Ang Alexa Piso WiFi & E-load ay available araw-araw mula 9AM-11PM lamang ng gabi (still subject to change).
ANSWER: Kapag nagkaroon ng mga interruptions ang Piso WiFi machine tulad ng Brownout at Lost Internet Connection, lahat ng naka-connect dito ay pansamantala lang na mapuputol ang connection time pero hindi ito mawawala. Kapag bumalik na sa normal ang operation ng Piso WiFi machine at na-establish na ulit ang Internet connection, maari mo nang i-resume ang iyong connection time. I-open mo lang ang Piso WiFi portal at i-click ang CONTINUE button. (see picture)
ANSWER: YES! Pwede mo i-pause ang connection time mo kapag ito ay 1 hour mahigit pa. Maaari kang mag-pause ng kahit ilang beses. Hindi ka pwede mag-pause kapag mababa na sa 1 oras ang iyong connection time o kapag dinisconnect mo ang ang iyong gadget sa aming Piso WiFi.
Para mag-pause ng connection time, i-open mo ang Piso WiFi portal at i-click ang PAUSE button. (See picture)
ANSWER: Kada successful na pagbili mo ng Internet connection time ay katumbas ng 1 SESSION. Everytime na bibili ka ng panibagong Internet Connection via coin(s), wipass, o gamit ang E-wallet, hindi ito madadagdag sa natitirang connection time na meron ka pa, kundi ito ay magiging NEW SESSION. Para makita mo ang lahat ng sessions na meron ka, i-open mo ang Piso WiFi portal at i-click ang rounded down arrow icon (see picture above/left). Isang session lang ang pwedeng maging ACTIVE, at pwede kang pumili kung aling session ang gusto mong tapusin muna. Kapag natapos na ang isang session, AUTOMATIC na magiging ACTIVE ang kasunod na session sa listahan upang hindi maputol ang iyong internet connection. (see picture below/right)..
Kapag EXPIRED na ang iyong session(s), ito ay mawawala na sa listahan.
ANSWER: In case na makalimutan mo ang iyong password, ipagbigay-alam agad ito sa amin para matulungan ka naming i-reset ang iyong password. Make sure na alam mo pa ang iyong Account Username dahil kailangan ito sa pag-reset.
ANSWER: Kung meron kang na-encounter na mga problema sa Piso WiFi o kung meron ka lang gustong itanong sa Admin ng Alexa Piso WiFi & E-load, maari kang magsend ng message sa pamamagitan ng pag-Chat. Sa loob ng Piso WiFi portal, i-click mo lang ang CHAT button sa lower-right ng screen, at mag-type na ng iyong message, suggestions, requests, o concerns. Make sure na naka-login ka sa iyong Piso WiFi account bago magsend ng message.