1. Siguraduhin na connected ka sa Alexa Piso Wifi & E-load at naka-open Piso WiFi portal screen.
2. I-click ang INSERT COIN button.
3. Magsisimula na ang 30 seconds na timer para sa pag-insert ng coins (1 peso, 5 pesos, or 10 peso coin).
4. Makikita mo sa screen kung magkano na ang amount na naihulog mo at tinanggap ng machine. May maririnig kang beep kapag tinanggap ng Piso WiFi machine ang coin(s) mo (1 beep para sa 1 peso, 5 beeps para sa 5 pesos, at 10 beeps para sa 10 peso coin). Siguraduhing i-check ang coin slot para sa mga coins na hindi tinanggap at inilabas ng machine. Kung na-insert mo na ang amount na gusto mo, i-click mo na ang GO ONLINE button.
5. Yown! Connected ka na sa Internet at makikita mo na sa portal ang remaining time base sa amount na naihulog mo. Enjoy!