Ang Piso WiFi Account ay magsisilbi mong Personal Dashboard at E-wallet. Dito mo makikita ang lahat ng mga naging transactions mo sa Piso Wifi machine pati na ang E-loads. Ang amount na nasa iyong E-wallet mo ay maaari mong gamiting pambili ng Internet connection at E-load DITO LAMANG sa aming Piso WiFi machine.
1. Siguraduhin na connected ka sa Alexa Piso Wifi & E-load at naka-open Piso WiFi portal screen.
2. I-click ang icon na nasa upper right side ng Portal. (see picture below)
3. I-click ang REGISTER.
4. I-type ang gusto mong Username at Password at pagkatapos ay i-click ang REGISTER button. Congratulations! Meron ka nang personal account sa Alexa Piso WiFi & E-load. (Take Note: Mare-record lang sa iyong Dashboard ang bawat transaction kung ikaw ay naka-LOGIN sa iyong account)
5. Para mag-login, ulitin ang STEP 2. At pagkatapos, makikita mo na ang iyong Username, sa ibaba nito, i-click lang ang My Account at mapupunta ka na sa iyong Account Dashboard.
6. Para bumalik sa Main Portal, i-click mo lang ang logo at pangalan ng Piso WiFi na nasa upper-left ng portal.