Ang WiPass ay isang code (combination ng numbers at letters) na pwede mong gamitin sa Piso WiFi machine bilang alternative sa paghuhulog ng coins para ikaw ay maka-connect sa Internet. Ang Wipass code ay ibibigay lang namin pagkatapos mo itong mabayaran. Meron itong corresponding na oras o connection time depende sa amount na iyong babayaran katulad din kapag nag-INSERT COIN ka. Ingatan mo ang code na ito at huwag ipakita sa iba hangga't hindi mo pa ito nagagamit.
ADVANTAGE ng Wipass: Pwede mo ito gamitin anytime. (Ex. Umaga ka bibili ng WiPass, pero sa hapon o kinabukasan mo pa ito gagamitin)
1. Siguraduhin na connected ka sa Alexa Piso Wifi & E-load at naka-open Piso WiFi portal screen.
2. I-click ang USE WIPASS button.
3. I-type mo ang biniling WiPass Code at i-click ang USE button.
4. Yown! Connected ka na sa Internet at makikita mo na sa portal ang remaining time base sa amount ng WiPass code. Enjoy!