Ang buhay estudyante ay pinakamasayang yugto sa buhay ng isang magaaral, ngunit papaano kung sa reyalidad ay taliwas ito sa iyong nararanasan? Sa halip na pananabik ay takot, kaba, kawalan ng kontrol, pagsisi sa sarili at iba pang mga negatibong bagay ang iyong nararamdaman at naiisip. Nag-iisip kung papasok o hindi dahil nariyan na naman ang mga kaklase mong mambubulas sa iyo? Hindi mawari ang kaba at takot sa dibdib mo? Pilit mong pinapalakas ang sarili sa tuwing papasok sa paaralan para lang makapag-aral. Kung hindi ka dumanas nito, marahil isa sa mga kaklase mo ay dumanas ng ganito? Tama ba ako kaibigan?
Ang karahasan ay sanhi ng masasamang gawi at kilos ng isang tao na nagdudulot ng kapahamakan hindi lamang sa sarili kung hindi maging sa kapwa. May mga salik kung bakit nabubuo ang karahasan lalong-lalo na sa paaralan, isa na rito ang pakikisangkot sa mga maling gawi ng barkada at kaibigan. Kung itatangkilik ang mga ito ay maaaring magreresulta ng kamatayan o sitwasyongmaglalagay sa tao sa panganib.

“Ang karahasan ay hindi nararapat suklian ng sariling karahasan”, isang tanyag na kasabihan mula sa manunulat na si Dr.Jose Rizal na nagpaliliwanag na walang magandang maidudulot ang karahasan. Naranasan mo na bang maging biktima ng karahasan? Isa ka ba sa gumamit ng dahas? May mga pangyayari ka bang nasaksihan na nagpapakita ng karahasan?
Isa ang pagmamahal ay batayan sa pagkilala sa sarili at sa pakikipagugnayan sa kapwa. Kung taglay ng tao ang dalisay na pagmamahal, tiyak maiiwasan ang paggawa ng masama at madaling matutugunan ang anumang pangangailangan at pagsubok sa buhay. Ang tamang paggabay at pagmamahal ng magulang o ang mga tinuturing nating magulang ang isa sa mga pinakamahalagang susi upang makaiwas ang kabataan sa karahasang lumalaganap sa paaralan.
Ang pakikipag-ugnayan ng maayos sa kapwa ay magdadala ng katiwasayan hindi lamang sa sarili kung hindi maging sa iba. Ang tamang pagrespeto sa kapwa ay repleksyon kung paano nirerespeto ang sarili upang makabuo ng matatag at matayog na samahan. May mga mahahalagang aspeto ng pagmamahal ang kailangan mapaunlad ng sa gayon tuluyang maiwasan ang anumang uri ng karahasan sa paaralan at lipunang ginagalawan.