Magbasa at magsaliksik sa iyong topic assignment. Tiyaking naiintindihan mo ito sa antas na kaya mo itong ikwentong muli batay sa inyong pagkaunawa.
I-translate mo ang iyong pagkaunawa sa wikang Filipino, Ngunit tandaan na hindi ka nagsasagawa ng paraphrasing kaya hindi mo dapat baguhin, palitan o bawasan ang ideya ng iyong isasalin.
Hindi dapat word-by-word ang pagsasalin kundi ang kahulugan at mensahe ng babasahin ang isasalin. Ayaw natin maging literal ang translation sapagkat maaring hindi tayo maunawaan ng mismong mambabasa. Iwasan ang paggamit ng google translate. Sa halip ay sumangguni sa Filipino dictionary.
Piliin ang mga salita na madaling maunawaan ng mambabasa. Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang kahulugan at tiyak na mauunawaan din ng mga mambabasa upang higit na maging natural o malapit ang orihinal sa teksto.
Huwag mahiyang magtanong sa iyong magulang, kaklase o kakilala hinggil sa mga salitang Filipino na maaring itumbas sa nasabing isasalin.
Halimbawa, sa context ng First-Aid, mayroong mga salita na mas mainam na huwag isalin tulad ng Cardio-pulmonary Resuscitation, Anatomical Obstruction, Bandaging and Splinting, Mechanical Airway Obstruction, Tourniquet, Lifts and Carries, Stretcher, Allergy, Hypoglycemia at iba pa. sapagkat wala naman talagang direktang salin ito sa wikang Filipino. Kaya marapat na panatilihin ang mismong salita at ipaliwanag ang kahulugan nito sa Filipino tulad ng:
“Ang mga sintomas ng dengue fever ay ang pagkakaroon ng biglaang pagtaas ng lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit sa likod ng mata, sakit ng kalamnan at kasukasuan, kawalan ng ganang kumain, pagduduwal at pamamantal sa balat. Ang mga bata ay maaaring kakitaan lamang ng sinat at pamamantal”
Mayroon din mga salita/termino na maaring na isalin sa wikang Filipino ngunit mas mainam na mapanatili na lang ito sa wikang Ingles. Halimbawa, sa context ng First-Aid, tulad ng 4C sa pagsasagawa ng first aid para sa cardiac arrest: CHECK-CALL-COVER- CARE/COMPRESS at mnemonic na RICE o Rest-Immobilize-Cold-Elevate sa pagtugon sa injury ng kalamnan, buto at kasukasuan.
Pagkatapos isalin at isulat ay maaring ipabasa sa Proof-reader ng grupo upang matiyak kung naiintindihan.
Gamitin natin ang wikang Filipino hindi lang upang maunawaan tayo ng magbabasa kundi bilang pagmamahal sa ating sariling wika, katuwang na pamayanan at bayan.
Required ang lahat na magdala ng almusal, tanghalian, at merienda (pati tubig) dahil
hindi maaaring lumabas ng compound sa buong activity.
Mag-usap kayong grupo kung paano ang set-up sa pagkain.
Tanging ang UST Gates 1, 7, at 14 ang bubuksan tuwing Linggo. Manage your time.
Bumili na at magdala ng pagkain na magkakasya hanggang 2PM.