ANG OPISYAL NA PAHAYAG NG THE VOICE OF UPLB DEVCOMSOC SA IKA-53 TAONG ANIBERSARYO NG DEKLARASYON NG MARTIAL LAW
ANG OPISYAL NA PAHAYAG NG THE VOICE OF UPLB DEVCOMSOC SA IKA-53 TAONG ANIBERSARYO NG DEKLARASYON NG MARTIAL LAW
Nitong Setyembre 12, pinaabot ni Marcos Jr. ang kagustuhan niyang sumali sa mga rally dahil sa harap-harapang panloloko sa mga Pilipino patungkol sa flood control projects. Subalit, hindi dapat natin kalimutan ang tumatayang 5 hanggang 10 bilyon na kinurakot sa mamamayang Pilipino noong panahon ng Martial Law na hanggang ngayon ay itinuturing pa rin na utang ng bansa.
Sa ngayon, naaprubahan na naman ang 27.29 bilyong budget para sa Tanggapan ng Pangulo sa gitna ng rumaragasang usapin ukol sa korapsyon na nangyayari sa likod ng flood control projects. Mahalaga ring tandaan na nagtaas ito ng 72% kumpara sa dating budget na 15.8 bilyon.
Alalahanin natin ang halos tatlong libong koleksyon na sapatos ni Imelda Marcos na kanyang naiwan sa palasyo kasabay ng kanilang pagtakas dahil isa ito sa mga sumasalamin sa kanilang mga ninakaw nilang pera sa bayan. Tinatayang sampung bilyong dolyar ang nakulimbat ng mga Marcos sa masa habang ang mga Pilipino ay patuloy na nagdurusa sa hirap.
Hindi rin dapat natin kalimutan ang mga abogado, pinuno ng mga manggagawa, mga mamamahayag, mga nasa simbahan, at ang mga aktibistang inaresto at ikinulong noong panahon ng batas militar sa pagitan ng taong 1972 at 1975 lamang.
Ninanais din ni Marcos Jr. na maging ‘peaceful’ ang mga raliyista sa darating na mobilisasyon ngayong Setyembre 21 sa Luneta, ngunit hindi kailanman naging ‘peaceful’ ang 11,103 na Human Rights Violations noong Martial Law. Nariyan din ang walang awang pagpapatahimik at pagpatay sa mga peryodistang kumokontra kay Marcos.
Bilang organisasyon na itinatag noong 1972, parehas na taong idineklara ang Batas Militar, nakikiisa ang UPLB Development Communicators’ Society sa lahat ng naging biktima ng marahas na Martial Law, at sa lahat ng Pilipinong namulat at ngayo’y nakikibaka sa Luneta.
Sa kabila nito ay mariin ding kinokondena ng UPLB Development Communicators’ Society ang pilit na pagmumukhang anghel ni Marcos sa kabila ng flood control projects, kung ang pamilya Marcos din naman ang nangurakot ng bilyong bilyong pera sa kaban ng taumbayan. Kahit 53 na taon na ang nakalipas, huwag nating kakalimutan ang libo-libong Pilipinong napaslang noon.
TAMA NA, SOBRA NA!
NEVER AGAIN, NEVER FORGET! NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW!
Sanggunian:
[1] Dela Peña, K. (n.d.). Marcos’ martial law: Golden age for corruption, abuses. https://newsinfo.inquirer.net/1490968/marcos-martial-law-golden-age-for-corruption-abuses/amp
[2] Roll of Victims | Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission. (2015). Hrvvmc.gov.ph. https://hrvvmc.gov.ph/roll-of-victims/
[3] Sarao, Z. (2025, September). Marcos says would join protests vs corruption too if he’s not president. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/2109141/marcos-on-protests-vs-corruption-if-not-president-id-be-on-streets
[4] Magramo, K. (2022). They were tortured under Philippine dictator Ferdinand Marcos Snr. now they fear their stories are being erased. CNN. https://edition.cnn.com/2022/09/29/asia/philippines-martial-law-50-years-marcos-intl-hnk [5] Evans, G. (2022). Why the Marcos family is so infamous in the Philippines. BBC News. https://www.bbc.com/news/world-asia-61379915
Other stories
Feature: Ang Tunay na Kakanyahan ng Kababaihan
May isang naging tanong sa isang beauty pageant, “what, for you, is the essence of being a woman?”
Opinion: Manggagawa muna ngayong Mayo Uno!
Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!