OPISYAL NA PAHAYAG SA PAG-ALALA SA BUHAY NI KIAN LOYD DELOS SANTOS
OPISYAL NA PAHAYAG SA PAG-ALALA SA BUHAY NI KIAN LOYD DELOS SANTOS
Walong taon na ang nakalilipas nang matagpuan ang walang buhay na 17-anyos na si Kian Delos Santos sa madilim na eskinita sa Caloocan City matapos ang diumano’y panlalaban niya sa mga pulis sa ilalim ng operasyong Oplan Galugad noong Agosto 16, 2017. Si Kian ay napagbintangang drug-runner, ngunit salungat sa pahayag ng kapulisan, napatunayan sa kuha ng CCTV at testimonya ng mga saksi na siya ay nagmakaawa at walang habas na binaril ng mga pulis na sina Arnel Oares, Jerwin Cruz, at Jeremias Pereda.
Ang kaso ni Kian ay isa lamang sa libu-libong karahasan at pagpaslang na naitala ng War on Drugs ng administrasyong Duterte. Bagama’t nahatulan na ng 40 taong sentensiya ang mga salarin, si Kian ay nananatili pa ring isang numero sa mahabang talaan ng mga biktimang patuloy na naghahangad ng hustisya mula sa kamay na bakal ng nakaraang administrasyon at ng madugong kampanya kontra droga.
Sa paggulong ng kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga alegasyon ng extrajudicial killings, muling sumisilip ang alaala ni Kian bilang isa sa mga mukha ng mga mamamayang Pilipino na yumuko sa bala at dahas.
Kaya naman ngayong ika-walong taong anibersaryo ng kaniyang pagpanaw, inaalala ng UPLB Development Communicators’ Society si Kian Delos Santos hindi lamang bilang tanda ng paniningil sa marahas at mapang-aping pamumuno, kundi bilang mitsa rin ng pagkilos at hustisya.
Hindi tayo makakalimot hangga’t walang nananagot.
#NeverForget
#JusticeForKian
#StoptheKillings
Other stories
Feature: Ang Tunay na Kakanyahan ng Kababaihan
May isang naging tanong sa isang beauty pageant, “what, for you, is the essence of being a woman?”
Opinion: Manggagawa muna ngayong Mayo Uno!
Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!