OPISYAL NA PAHAYAG NG THE VOICE OF UPLB DEVCOMSOC SA INTERNATIONAL LITERACY DAY
OPISYAL NA PAHAYAG NG THE VOICE OF UPLB DEVCOMSOC SA INTERNATIONAL LITERACY DAY
Sa kasalukuyan makikita natin na mabilis na ang pag-usbong ng teknolohiya. At sa patuloy na papag-usad nito, mas naging madali ang pagkuha ng iba’t ibang klase ng impormasyon. Dahil dito, naka-ugat ang literasiya bilang isang sandigan sa mas inklusibong paraan ng pagkatuto pagdating sa digital transition. Sa kasalukuyan, ang digital era ay malaking pagbabago sa ating lipunan, sa kung paano tayo natututo, nakikipagkomunikasyon, at sa pagkakaroong akses sa impormasyon.
Kaya ngayong buwan ay ipinagdiriwang natin ang International Literacy Day (ILD) na may temang “Promoting Literacy in the Digital Era” upang ipaalala sa lipunan ang kahalagahan ng literasiya bilang usapin ng dignidad at karapatang pantao, at isulong ang adyenda ng literasiya tungo sa mas may kaalaman at mas matatag na lipunan at ihabi natin ito sa digital media. Pagdating sa literisiya sa ating bansa, ayon sa FLEMMS (Functional Literacy, Education and Mass Media Survey), bagama’t mataas ang antas ng basic literacy ng Pilipinas na tinatalang 93.1% ayon sa talang inilahad nila noong nakaraang taon ng PSA, nanatiling isang malaking hamon ang tinatawag na functional literacy na nasa 70.8% lamang. Ibig sabihin, marami pa ring mga Pilipino ang marunong magbasa ngunit nahihirapang umunawa sa mga implikasyon ng kanilang mga nababasa o naririnig. Lalo pa ito naging komplikado sa mabilis na pagkalat ng mga misinformation at disinformation.
Ayon sa UNESCO, humigit kumulang 68% ng mga tao sa mundo ang gumagamit ng internet upang mag-access ng mga impormasyon. Bukod pa rito, sa bawat limang batang may edad 10 pataas ay may kakayahang gumamit ng mga mobile devices. Sa pag-akses natin sa mga ito ay dapat itong pag-aralan bilang pinagkukunan ng impormasyon at kung paano ito gamitin nang tama. Isa pa, laganap din sa digital era ang pagpapanday ng kritikal na kaisipan, sa dami ng impormasyon na ating nakukuha ay kaakibat nito ang malubhang misinformation at disinformation. Kaya ang literasiya ang maging pundasyon upang makasabay at maging responsable sa paggamit nitong mga teknolohiya.
Sa lumalaking populasyon sa buong mundo at lumalaking akses pagdating sa internet ay dapat matamo ng bawat isa ang karapatan at gabay sa pag-unlad na makatutulong sa pagkakaroon ng kasanayan pagdating sa paggamit ng digital information. Makasasabay din ang bawat isa kung patuloy natin itong susuportahan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng wika, kultura, at pag-unawa. Inililihis nito ang atensyon mula sa teknolohikal na 'solusyonismo' tungo sa makatao at makamasang konteksto ng edukasyon.
Mahalagang aspeto rin na magkaroon ng literisyang nakasentro sa panahon ng digital age, na tumatalakay sa kahalagahan ng mas maayos na nabigasyon sa mga digital platforms. Naka-angkla rito ang pagkakaroon ng akses ng mga ordinaryong mamamayan sa impormasyong importante sa pagdedesisyon upangmagkakaroon ng maayos na polisiya at sistematikong balangkas. Isinusulong din ang pagtataguyod ng isang pantay at walang halong diskriminasyon sa iba pagdating sa pagkatuto– lahat ay mayroong sapat na edukasyon at patnubay. Layon din sana namakabuo ng isang inklusibong paraan kung saan may sistema ng pagkatuto na hindi lamang nagtatapos sa paaralan kundi nagpapatuloy habang-buhay.
Nawa’y ang literisya sa makabagong panahon ay hindi lamang nakasentro sa kakayahan ng bawat isa na magbasa’t magsulat, ngunit maging espasyo upang magkaroon tayo ng pag-unawa, pagsusuri, paglikha, at pagiging kritikal na kinakailangan natin upang makasabay sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya. Ito rin ay isang paalala na maging isang responsable at mapanuring indibidwal sa pagkuha ng mga impormasyon at maging aktibong kalahok sa mga diskusyong dapat bigyan ng pansin, katulad ng literasiya.
Sa pagdiwang natin ng International Literacy Day, nananawagan ang UPLB Developmet Communicators’ Society na magkaroon ng isang inklusibong programa, polisiya at isang maayos na espasyo ng pagkatuto na may akses sa digital midya. Sa huli, ang literasiya ay isang magandang sandigan para sa pag-unlad na magpupunta sa atin upang magbuklod sa isang progresibong henerasyon at mas inklusibong kinabukasan.
Mga Sanggunian:
SHERYLIN UNTALAN, GMA Integrated News. (2025, July 31). PSA: Only 70.8% of Filipinos aged 10–64 functionally literate. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/.../psa-only-70-8-of.../story/
DepEd strengthens commitment to literacy as FLEMMS results show gains, opportunities | Department of Education. (2025, April 4). https://www.deped.gov.ph/.../deped-strengthens.../
Other stories
Feature: Ang Tunay na Kakanyahan ng Kababaihan
May isang naging tanong sa isang beauty pageant, “what, for you, is the essence of being a woman?”
Opinion: Manggagawa muna ngayong Mayo Uno!
Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!