OPISYAL NA PAHAYAG SA PAGGUNITA NG PANDAIGDIGANG ARAW NG KABABAIHAN NGAYONG 2025
OPISYAL NA PAHAYAG SA PAGGUNITA NG PANDAIGDIGANG ARAW NG KABABAIHAN NGAYONG 2025
Ngayong Marso 8 ay ginugunita ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan– isang pagdiriwang ng mga tagumpay ng bawat babae, pagkilala sa kasaysayan ng araw na ito mula sa kilusan ng mga kababaihang manggagawa, at mariing pagkondena sa karahasan at diskriminasyon na patuloy na kinahaharap ng mga kababaihan.
Naitala ng World Economic Forum na bumaba sa ika-25 na puwesto ang Pilipinas sa 2024 Global Gender Gap Index kumpara noong 2023 na ito ay nasa ika-16 na puwesto. Sa kabilang banda ay una ang bansa sa parehas na ulat sa buong Asya. Kahit patuloy na nangunguna ang Pilipinas sa mga bansang Asyano, nararamdaman ba ang mataas na ranggo sa hanay ng masang kababaihan?
Halos isa sa limang babae ang nakakaranas ng pisikal, sekswal, o emosyonal na karahasan mula sa kanilang kasalukuyan o huling kinakasama (Philippine Statistics Authority at ICF, 2023). Samantala, nasa 13% ang mga kababaihang edad 15-49 ang nakakaranas ng pisikal na karahasan pagtungtong pa lamang ng labinlimang gulang.
Dagdag pa rito, dala ang mga tradisyonal na paniniwalang patriyarkal pati narin sa digital na larangan. Ayon sa isang ulat ng Philippine Institute for Development Studies, mas mababa ng 18.4% ang kita ng mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan. Minamaliit pa rin ang mga kababaihan at patuloy pa ring nakukulong sa mga hindi kumplikadong trabaho, katulad ng encoding na mas mababa ang sahod na kanilang nakukuha.
Kaisa ng hanay ng masang kababaihan ang UPLB Development Communicators’ Society sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Kasabay rin nito ang pagtambol sa boses ng mga kababaihan hindi lamang noon, kundi ngayon at sa malayang bukas para sa mas makatarungan at inklusibong lipunan.
𝗠𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻:
Pal, K., Piaget, K., Zahidi, S., & Baller, S. (2024, June 11). Global gender gap 2024. World Economic Forum. https://www.weforum.org/.../global-gender-gap.../digest/
Peña, P. & Yao V. (2022, August). DigitALL for Her: Futurecasting platform work
for women in rural Philippines. Philippine Institute for Development Studies. https://www.pids.gov.ph/.../gender-bias-women-digital...
Philippine Statistics Authority and ICF. (2023, June). 2022 Philippine National Demographic and Health Survey (NDHS): Final Report. https://dhsprogram.com/pubs/pdf/FR381/FR381.pdf
Other stories
OPISYAL NA PAHAYAG SA PAGALALA NG ARAW NI BONIFACIO
Ngayong Nobyembre 30, ating ipinagdiriwang ang ika-161 taon ng kapanganakan ng Ama ng Rebolusyong Pilipino at ng Katipunan...
OPISYAL NA PAHAYAG SA IKA-10 TAONG ANIBERSARYO NG PAGPATAY KAY JENNIEFER LAUDE
Sampung taon na ang nakalipas nang sapitin ni Jennifer Laude ang malupit na pagkamatay sa ilalim ng mga kamay ng sundalong si Joseph Scott Pemberton...