OPISYAL NA PAHAYAG SA PAGALALA NG ARAW NI BONIFACIO
OPISYAL NA PAHAYAG SA PAGALALA NG ARAW NI BONIFACIO
Ngayong Nobyembre 30, ating ipinagdiriwang ang ika-161 taon ng kapanganakan ng Ama ng Rebolusyong Pilipino at ng Katipunan—ang bayaning hinulma ng katapangan, kanaisan sa pambansang pagkakaisa, at pagkamakabayan. Mula sa pangunguna sa rebolusyon at pagtayo ng Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), ipinaglaban ni Andres Bonifacio ang kalayaan nating mga Pilipino mula sa kolonya ng Espanya.
Sa ating paggunita ng buhay at kabayanihang iniwan ni Bonifacio, marapat lang na ating ipagpatuloy ang mga katangiang kaniyang ipinamalas para sa kalayaang ipinaglaban at dapat ipaglaban pa upang makamit ang tunay na kalayaan, ating mga karapatan, at inklusibong kaunlaran.
Sa gitna ng rehimeng tambalang Marcos-Duterte—kung saan mas nabunyag ang huwad na pagkakaisang kanilang patsada—mas napinsala lamang ang iba’t ibang sektor ng ating bansa. Mula sa mga kolonyal at imperyalistang pwersa na patuloy na nangingibabaw sa ating bansa, ang panunupil sa mga mamamahayag, magsasaka, aktibista, hanggang sa buhay ng mga ordinaryong mamamayan mula sa paglabag sa kanilang mga karapatang pantao, kakulangan sa maayos na pagpapasahod, palpak na pagtugon mula sa mga sakuna at kalamidad, at pati ang panganib sa ating pambansang seguridad.
Sa paglago ng mga isyung ito mula sa iba’t ibang antas, dapat mapagnilayan ng estado ang kalayaang taglay ng ating bansa at ng bawat indibidwal. Sa huwad na kalayaang mayroon tayo, isang malaking alalahanin ito para sa magiging hinaharap—paurong ang kaunlarang pinupuntahan natin—at taliwas ito sa mga mithiing ipinaglaban ni Bonifacio para sa mga Pilipino.
Ipinagmamalaking bitbit ang mga panawagang ito, ang UPLB Development Communicators’ Society ay nakikiisa sa patuloy na paglaban para sa tunay na kalayaan, kapayapaan, at pagkamit ng kaunlarang para sa lahat. MABUHAY ANG DIWA NG REBOLUSYON
Other stories
OPISYAL NA PAHAYAG SA IKA-10 TAONG ANIBERSARYO NG PAGPATAY KAY JENNIEFER LAUDE
Sampung taon na ang nakalipas nang sapitin ni Jennifer Laude ang malupit na pagkamatay sa ilalim ng mga kamay ng sundalong si Joseph Scott Pemberton...
Opinion: Manggagawa muna ngayong Mayo Uno!
Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!