OPISYAL NA PAHAYAG SA IKA-10 TAONG ANIBERSARYO NG PAGPATAY KAY JENNIFER LAUDE
OPISYAL NA PAHAYAG SA IKA-10 TAONG ANIBERSARYO NG PAGPATAY KAY JENNIFER LAUDE
Sampung taon na ang nakalipas nang sapitin ni Jennifer Laude ang malupit na pagkamatay sa ilalim ng mga kamay ng sundalong si Joseph Scott Pemberton.
Si Laude ay isang Filipina Transgender na walang awang pinatay ni Pemberton nang malaman nito ang kasarian ni Laude.
Matapos masintensyahan nang dapat sana ay sampung taong pagkakakulong noong 2014, binigyan ni dating Pangulong Duterte ng "absoloute pardon" ang kaso ni Pemberton. Sa nangyaring ito, nagmula mismo sa abogado ni Pemberton na hindi humiling ang kampo ng pardon bagkus ay bigla na lamang din itong iginawad ni Duterte.
Ang nangyaring ito kay Laude ay nagpapakita nang hindi makatarungan at hindi pantay na pagbibigay hustisya at karapatan sa bansa, lalo na sa komunidad bg LGBTQIA+. Ang naging kapalaran ni Laude ay isang hudyat ng pagtawag para sa pagkakaroon nang pantay na karapatan at pagtawag laban sa karahasang nararanasan ng komunidad.
Kaya naman, kaisa ang The Voice of UPLB Development Communicators' Society sa panawagan ng pagpasa ng SOGIE Bill na siyang naglalayong protektahan ang tao laban sa diskriminasyong nararanasan nila patungkol sa kanilang sekswal na oryentasyin at kasarian. Ito ay naglalayon ding protektahan ang komunidad ng LGBTQIA+ laban sa mapang-abuso at bayolenteng patriyarkal na sistema.
Other stories
Feature: Ang Tunay na Kakanyahan ng Kababaihan
May isang naging tanong sa isang beauty pageant, “what, for you, is the essence of being a woman?”
Opinion: Manggagawa muna ngayong Mayo Uno!
Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!