Tuloy ang panawagan natin na ibasura ang huwad na PUV Modernization Program!
Ang UPLB Development Communicators’ Society ay mariing tumututol sa planong jeepney phaseout sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ang pag-aalis ng tradisyunal na jeepney ay magdudulot ng masamang epekto sa maraming sektor, lalo na sa mga operator at driver na maaaring hindi agad makakasunod sa modernisasyon. Naniniwala kami na ang pamahalaan ay dapat magbigay ng sapat na suporta at alternatibong solusyon bago ipatupad ang ganitong polisiya upang hindi mawalan ng kabuhayan ang libu-libong pamilyang nakadepende sa jeepney operation.
Bilang development practitioners, nais naming iparating ang pangangailangan para sa mas mabisang komunikasyon at pakikipag-ugnayan mula sa pamahalaan. Hindi sapat na ang mga numero ng pagsang-ayon sa consolidation kung hindi naman nararamdaman ng mga direktang apektado ang tamang suporta at pag-unawa. Ang pagsasagawa ng masusing konsultasyon at transparent na komunikasyon ay mahalaga upang mahanap ang pinakamabisang solusyon na hindi lamang mag-aangat sa antas ng modernisasyon kundi magbibigay rin ng sapat na suporta sa mga nagtatrabaho at umaasa sa industriya ng jeepney.
Nananawagan kami para sa mas makatarungan at masusing pagsusuri ng mga epekto ng jeepney phaseout, na dapat maging bahagi ng malawakang konsultasyon sa mga sektor na maapektohan.
Bukas, ika-31 ng Disyembre, ang gobyerno ay determinadong sundin ang deadline para sa consolidation ng public utility vehicles (PUV). Ang UPLB DevComSocay nananawagan na maging bukas sa mga boses ng mga tsuper at makinig sa mga hinaing ng sektor ng transportasyon–maging ang mga komyuter, na labis na maaapektuhan dito, sa magiging pagtaas ng pamasahe at posibleng kawalan ng mga masasakyang jeep sa ilang mga ruta.
Tutulan, labanan, huwag pahintulutan ang PUV Modernization Program!
Other stories
Feature: Ang Tunay na Kakanyahan ng Kababaihan
May isang naging tanong sa isang beauty pageant, “what, for you, is the essence of being a woman?”
Opinion: Manggagawa muna ngayong Mayo Uno!
Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!