Ni: Claire Olorvida
Nitong biyernes, March 1, itinampok ng Radyo DZLB ang proyektong "iRead" kasama sina Auna Carasi, co-head ng proyekto, at Nicole Brosas, Noisemaker External ng organisasyon, bilang mga kinatawan ng UPLB Development Communicators' Society sa isang panayam na nakatuon sa pagsusulong ng makabagong pamamaraan sa pag-aaral at pagtuturo.
Ang "iRead" ay isang proyektong pang-edukasyon na naglalayong mailapit ang mga mag-aaral sa panitikan at literatura. Ito ay isinasagawa sa anyo ng mga remedial sessions na ginawang mas makulay at kagiliw-giliw sa pamamagitan ng puppet shows, storytelling, at iba pang mga gawain para sa mga Grade 1 students ng Los Baños Central Elementary School ngayong taon.
Sinimulan noong 2010, layunin nito na sumama sa kilos para sa pagpapaunlad ng literasiya sa bansa at magsulong ng positibong pagbabago sa mga komunidad. Sa naturang panayam, ipinaliwanag nina Carasi at Brosas kung paano inilunsad ng kanilang organisasyon ang proyekto, kaalinsabay ang mga layunin nito, mga hakbang na kanilang ginagawa, at ang mga hamon na kanilang hinaharap sa proseso.
Sa pamamagitan ng "iRead," umaasa sina Carasi at Brosas na makakamit nila ang layunin ng proyektong gawing mas magaan at mas masaya ang pag-aaral para sa mga mag-aaral. Ang pagsasaalang-alang sa tagumpay at hamon ng inisyatibong ito ay nagbibigay diin sa ‘di-mabilang na potensyal ng edukasyon. At sa pagtutulungan ng mga organisasyon at mga indibidwal tulad nina Carasi at Brosas, maaaring magkaroon ng mas malaking pagbabago at pag-unlad sa sistema ng edukasyon sa bansa.
Hinihikayat ng UPLB Development Communicators’ Society ang lahat na makiisa sa proyektong ito. Bukas ang pintuan ng iRead para sa mga boluntaryo na nagnanais sumali. Upang sumali, mangyaring bisitahin ang iRead Facebook Page para sa iba pang mga detalye.
Other stories
Feature: Ang Tunay na Kakanyahan ng Kababaihan
May isang naging tanong sa isang beauty pageant, “what, for you, is the essence of being a woman?”
Opinion: Manggagawa muna ngayong Mayo Uno!
Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!