Ni: Joleana Mae M. Villaflores
Dinaluhan ng mahigit 30 na kalahok ang ginanap na COMMUNIS 2024: A DEVC 10 and DEVC 11 QuizCon sa CDC LR1 noong ika-28 ng Nobyembre. Ang taunang quiz contest na ito ay nagsisilbing review ng mga mag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng kursong DEVC 10 at DEVC 11. Hinihikayat din nito ang pagkakaroon ng partisipasyon ng sangkaestudyantehan sa mga aktibidad ng mga organisasyon sa loob ng kolehiyo, at palakasin ang CDC community sa pamamagitan nito.
Ayon kay Jasmine Fiona Sanchez, ang namuno ng Communis, ang UPLB Development Communicators’ Society ay taon-taong naglalaan ng ganitong programa upang paunlarin ang kahusayang pang-akademiko sa loob at labas ng kolehiyo. Isinaad din niya na ibinabalik pa lamang ang Communis noong nakaraang taon matapos nitong mawala dahil sa pandemya at nais niya ngayong taon na magkaroon ito ng kapasidad na gawing taunang quiz contest muli.
Dumalo bilang mga hurado sa nasabing QuizCon ang mga tagapangasiwa ng mga kursong DEVC 10 at DEVC 11 na sina Asst. Professor Romel Daya at Instructor Guien Eidrefson Garma.
Ayon sa isang kalahok na si Abigail Alla, nalaman niya ang kabuuan ng mga nasabing kurso dahil sa Communis. Natutunan din niya kung paano pag-aaralan ang mga susunod pang pagsusulit sa mga kursong ito, at nagkaroon din daw siya ng pagkakataong makasama ang kapwa niyang freshies sa nasabing programa.
Other stories
Feature: Ang Tunay na Kakanyahan ng Kababaihan
May isang naging tanong sa isang beauty pageant, “what, for you, is the essence of being a woman?”
Opinion: Manggagawa muna ngayong Mayo Uno!
Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!Sa pagpatak ng unang araw ng Mayo sa kalendaryo, karapatan ng manggagawang Pilipino ang dapat na ipaglaban!