Ang queer affirmative care ay pagkalingang kumikilala, nagbibigay galang at halaga, at sumusuporta sa mga karanasan at pag-unawa ng gender at sexual orientation na hindi limitado sa cisgender at heteronormative na pag-unawa at karanasan. Maaaring madaling sabihin pero mahirap gawin ang pagiging queer affirmative sa pagbibigay kalinga sa ating mga kliyente. Sa workshop na ito, may pagkakataong kilalanin at unawain ang mga personal dilemma sa pagsasagawa ng queer affirmative care. Matututunan din ang mga batayang kaisipan at mga simpleng paraan para maging mas queer affirmative ang ating praktika.