50 Taon ng SP
50 Taon ng SP
Ngayong 2025, ipinagdiriwang ng UP Diliman Departamento ng Sikolohiya ang ika-50 taon ng pagkakatatag ng Sikolohiyang Pilipino. Ang tema ng selebrasyon ay "Sikolohiyang Malaya't Mapagpalaya, Lipunang Mapagkalinga".
Mga Balita
Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 2025
Ang UPD Departamento ng Sikolohiya ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2025. Bilang pakikilahok sa gawain ng UP Diliman Sentro ng Wikang Filipino, isinumite natin sa eksibit na "Terminilohiyang Pilipino sa Iba't Ibang Disiplina" ang dalawang termino: Sikolohiyang Pilipino at hating kultural na kaugnay ng pagdiriwang ng SP@50.
Ang eksibit ng mga piling termino ay matatagpuan sa kahabaan ng UP academic oval sa buong buwan ng Agosto.
Litrato mula sa DZUP Balita FB page.
She-Kolohiya: Mga Kuwento at Kaalaman ng Pinay Pioneers ng SP, Marso 2025
Ngayong Pambansang Buwan ng Kababaihan, binibigyang-pugay ng UPD Department of Psychology ang mga Pinay Pioneers ng Sikolohiyang Pilipino.
Itinatampok sa isang eksibit ang mga Pinay Pioneers na dati at kasalukuyang fakulti ng UPD Department of Psychology – ang mga kababaihan na naghawan ng landas sa iba’t ibang larangan ng sikolohiya sa Pilipinas, lalong lalo na sa Sikolohiyang Pilipino.
Bisitahin ang eksibit sa Lagmay Hall lobby sa UP Diliman ngayong Marso 18-28, o pumunta sa online version nito.
Ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng SP@50.
Kuwentong Kababaihan 2025: Dama at Danas ng mga Kababaihan sa Lipunan at Sikolohiyang Pilipino, Maro 2025
Sa darating na Marso 27, 2025 ay gaganapin naman ang "Kuwentong Kababaihan 2025: Dama at Danas ng mga Kababaihan sa Lipunan at Sikolohiyang Pilipino - Isang Panel Discussion". Ito ay online sa pamamagitan ng Zoom at FB Live. Ang pagpapatala at ibang mga detalye ay makikita rito.
Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino at Ginhawa Conference (Joint Conference)
(Nobyembre 2025)