Laganap at masasabing karaniwan ang pagiging perfectionist – o ang pagkakaroon ng masyadong mataas na pamantayan para sa sarili. Kahit na may bentahe ang perfectionism, tulad ng high performance at pagiging mabusisi, may kaakibat din itong mga disbentahe tulad ng kabalisahan, pag-aalala, kawalan ng ligaya, atbp. Sa workshop na ito, mas makikilala ang karaniwang katangian at pinanggagalingan ng pagiging perfectionist, mauunawaan ang pansariling antas ng perfectionism, at matututunan ang ilang pamamaraan sa pagkakaroon ng healthy striving imbis na perfectionism sa sariling buhay.