Pagdadala ng mga Frontliner: Eksplorasyon sa Karanasan ng mga Kalahok ng Pasig Love Bond Program
Henmar C. Cardiño, Unibersidad ng Santo Tomas; Michael Joseph A. Dela Cruz, Our Lady of Fatima University-Valenzuela; Raessel B. Gutoman-Cardiño, Our Lady of Fatima University-Valenzuela; Shiele C. Lipata, Arch Global Services Inc.; Stephen E. Mino, Our Lady of Fatima University-Valenzuela; Michael Edward P. Buenaflor, Unibersidad ng Santo Tomas; Gerald M. Llanes, Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela; Glenmark B. Villanueva, Unibersidad ng Pilipinas Diliman; Romelito Manuel D.S. Clorina, Unibersidad ng Santo Tomas; Allysa Faye M. Folloso, Marjorie P. Lopez-Tiu, University of Caloocan City; & Lowel L. Urian, Unibersidad ng Santo Tomas
Ang Pasig Love Bond ay nagsimula noong 2022, na isang training o pagsasanay, Stress Debriefing, at Psychosocial Processing na programa para sa mga kawani ng Lungsod ng Pasig naunang tumutugon sa panahon ng mga krisis, kalamidad, at sakuna. Ang mga kalahok ay mula saTangapan ng Kapakanang Panlipunan at Kaunlaran o City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Lungsod ng Pasig na binubuo ng mga Social Worker, Early Childhood and Development Teacher, Teacher Aid, House Parent, Drivers, Bumbero, Admin Staff at mga ilangkawani at opisyal ng mga Barangay tulad ng mga Kapitan at Kagawad. Tungkulin ng tanggapangito na mabisa at epektibong ipatupad ang mga programa, patakaran at serbisyo na magpapababasa mga sitwasyon ng kahirapan, iangat ang kalagayan ng pamumuhay, at bigyan ng kalakasanang mga mahihirap na indibidwal, pamilya, at mga komunidad para mapabuti ang kalidad ng buhay at mapanatili ang kabuuang pag-unlad. Layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang mgadinadala, paraan ng pagdadala, at patutunguhan ng mga kawani ng CSWDO sa konteksto ng kanilang psychosocial na karanasan. Ang Modelo ng Pagdadala (Decenteceo, 1997) ay ginamithindi lamang bilang balangkas kundi bilang lente ng pag-unawa sa ugnayan ng damdamin, pamilya, at pananampalataya sa proseso ng paghilom ng mga frontliner. Gamit ang pakikipagkuwentuhan at pakikisalamuha, inanalisa ang mga salaysay ng 114 na kalahok ng programa noong Agosto 2025 sa pamamagitan ng thematic analysis. Ang proseso ay isinagawaalinsunod sa etika ng pakikipagkapwa-tao at paggalang sa bawat kalahok. Natukoy ang mgamatitingkad na tema mula sa karanasan ng mga nagdadala o kalahok sa programa. Ang mgapangunahing dinadala ng mga kalahok ay tungkol sa mga usapin sa Pinansyal, Hanapbuhay, Kalusugan, Pamilya, Ugnayan at Suporta sa Lipunan, Panloob na Suliranin, Tirahan, Dalamhatiat Pagkawala, at Kapaligiran at Kalikasan. Samantala, ang mga pangunahing paraan ng pagdadala ng mga kalahok ay Pangangalaga sa Sarili, Pananampalataya, Suportang Panlipunan, Pansariling Pagkontrol, Pangangasiwa ng Pananalapi, Pamilya, Pansariling Pag-unlad, at ang Alagang Hayop. Sa huli, ang mga patutunguhan o ang mga pinagkukunan ng kalakasan ng mgakalahok ay ang Pamilya, Panginoon, Sarili at Pangarap, Komunidad at Hanapbuhay, Kaibigan, at mga Bayarin. Ipinakita ng mga tema ang katangi-tanging lakas ng loob, pananampalataya, at malasakit ng mga frontliner sa kabila ng emosyonal na bigat mga katangiang sumasalamin sadiwa ng kagandahang-loob at bayanihan. Ang pag-aaral ay nag-aambag sa pagpapalawak ng diskurso sa mental health at psychosocial resilience sa lente ng Sikolohiyang Pilipino, partikularsa mga manggagawang lingkod-bayan.