Paglikha at Pag-validate ng Filipino Received Social Support Scale
Johnrev Guilaran, PhD, Augil Marie Q. Robles, Aniceta Patricia T. Alingasa-Aguirre, & Bernice Vania L. Mamauag, PhD, Unibersidad ng Pilipinas Visayas
Ang social support ay isang social psychological factor na parating naiuugnay sa kagalingan, kaginhawaan, at iba pang positibong psychological outcomes. Ngunit ang mga epektong ito ng social support sa kagalingan at kaginhawaan ay hindi maihihiwalay sa kontekstong sosyal at kultural. Sa kasalukuyan, ang mga panukat ng social support ay hango sa kontekstong Western, Educated, Industrialized, Rich, and Democratic (WEIRD). Sa madaling salita, ang mga panukat ng social support na ginagamit sa mga Pilipino ay hindi nakabatay sa mga karanasan ng pagtanggap ng tulong at suporta ng mga Pilipino. Bukod pa dito, may tatlong tapyas ang social support ayon sa mga pag-aaral: received social support, perceived social support, at social embeddedness. Sa tatlong tapyas na ito, ang received social support ang pinakamahalaga sa larangan ng intervention, ngunit ito rin ang hindi masyadong pinag-aaralan. Dahil dito, nilayon ng pagsasaliksik na ito ang paggawa at pag-validate ng isang panukat ng received social support na nakabaon sa karanasang sosyal at kultural ng mga Pilipino. Labing apat at isang items ang nilikha hango sa mga dimensions ng Filipino received social support (Guilaran et al., 2025): (1) pagpapalakas ng loob, (2) pakikinig at pakikiramay, (3) pagsama at pakikiisa, (4) pagturo at paggabay, (5) pagbigay ng praktikal na tulong, at (6) pagsalo. Matapos maisagawa ang confirmatory factor analysis (CFA), ang panukat ay napaikli sa 19 na items (α=.934, ω = .970). Katanggap-tanggap din ang convergent validity ng panukat na ito. Tatalakayin sa papel na ito ang mga implikasyong teoretikal at praktikal, lalo na sa aspeto ng kagalingan at kaginhawaan.