Kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansa sa Asya na may umaapaw na bilang ng mga wika. Ayon sa artikulo na inilathala sa pook-sapot ng Translators without Borders, mayroong higit 120 na wika ang bansang Pilipinas.
Kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansa sa Asya na may umaapaw na bilang ng mga wika. Ayon sa artikulo na inilathala sa pook-sapot ng Translators without Borders, mayroong higit 120 na wika ang bansang Pilipinas.
https://translatorswithoutborders.org/language-data-for-the-philippines
Kasama ang Yogad sa mga wikang ito, nakalakip sa papanaliksik na “The Future of Yogad: An Appreciative Inquiry on Mother Tongue-Based Multilingual Education Classroom Practices in the Philippines” ni Chareena Quirant, bagama't hindi ito nanganganib sa mga tuntunin ng populasyon ng tagapagsalita, ang Yogad ay nananatiling pangunahin isang wikang pasalita, na matatagpuan sa mga domain ng tahanan at pang-araw-araw na buhay.
Sa kabuuan, 21 ang titik ng Ortograpiyang Yogad, ito-ito ang a, b, k, d, e, f, g, h, i, l, m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y. Tulad ng iba pang wika sa buong mundo, gumagamit din ang wikang Yogad ng tuldik o “ ‘ “ upang tukuyin ang diin ng isang salita (Healey, A. & Miranda, E. 1956).
Ito ang mga halimbawa ng mga salita at pangungusap sa Yogad at salin nito sa Filipino.
Hindi rin karaniwan sa wika sa Pilipinas ang magkaroon ito ng baryasyon sa iba’t ibang rehiyon, ganoon din sa Wikang Yogad. Malumanay ang Yogad depende sa lugar, mayroon ding mabilis kanilang pananalita. Ngunit, kahit mayroong baryasyon ang wikang ito buklod-buklod pa rin ang kanilang mga bokabularyo at kanilang kulturang Yogad.