Nagmula ang Tribo Yogad sa isla ng Mindanao na may pagkakatulad sa mga makukulay na kasuotan na mayroon ang mga taal ng Tawi-tawi at Sulu (Sama people). Pagdating naman sa pisikal na kaanyuhan, hindi nalalayo ang wangis at kulay ng mga Yogad sa Indonesians— kayumanggi ang balat, malalim ang mga mata, magaganda at makikisig ang hubog ng katawan ng mga kalalakihan dahil sa kanilang kabuhayan. Ngayon ay matatagpuan sila sa iba't ibang parte ng Echague, Isabela.
Sa tulong ni Gng. Janette U. Gaffud nakapanayam namin si Gng. Lolita Damgasi, isang Yogad sa Malitao, Echague na siyang nagsisilbing pinuno sa mga ritwal at nagpapanatili sa kultura at tradisyon ng mga Yogad sa paraan ng pagtuturo nito sa mga kabataan sa kanilang pamayanan.