Hiyas ng Kalikasan: Halamang Gamot ng Tribo Yogad 


Gamit ang mga natural na handog ng kalikasan, naniniwala rin ang mga Yogad sa lunas na taglay ng halamang gamot. Isa sa mga ibinahagi ni Nanay Lolita ang tanging halamang gamot na nakapagpagaling sa sakit ng kanyang anak na tinatawag na “subi-subi”. Ang sakit na ito ay isang kondisyong may kinalaman sa balat ng bagong panganak na sanggol. Ito ay pawang mga balat o birthmark. Samantala, “taltallikod” ang tawag sa halamang gamot na itinuturing na lunas sa sakit na ito. Ang halamang ito ay matatagpuan at tumutubo lamang kahit saan. Hindi tukoy kung ano ang orihinal na pangalan ng nasabing halamang gamot ngunit tinawag na lamang itong “taltallikod” ng mga Yogad dahil ang bunga raw nito ay nasa likod. Dinidikdik at tsaka pinipiga sa kamiseta ang halamang ito upang maiwan ang katas tsaka naman ito iniinom. Ang lasa nito’y mapait ngunit mabisa.