2023-24 Programa ng PrimeTime

Pinangangasiwaan ng Departamento ng Pinahabang Mga Oportunidad sa Pag-aaral (Extended Learning Opportunities Department) ng Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego ang Pinahabang Araw na Programa ng PrimeTime (PrimeTime) na inaalok sa mga site ng elementarya, at gitnang paaralan na naglilingkod sa estudyante sa Universal Transitional Kindergarten (UTK) hanggang ikawalong baitang. Ang PrimeTime ay libre sa lahat ng kalahok na pamilya at isinasagawa ang bago at/o pagkatapos pumasok sa paaralan na mga programa tuwing regular na araw ng pasukan. Para sa kasalukuyang listahan ng mga paaralang nag-aalok ng bago at pagkatapos pumasok sa paaralan na mga programa ng PrimeTime, mangyaring mag-click dito.

Mapapalagay ang loob ng mga magulang/tagapag-alaga na malamang ang kanilang (mga) anak ay tumatanggap ng suportang pang-akademiko, nakakatuwang aktibidad sa pagpapayaman at pakikipag-ugnayan sa mga kasamahan sa isang pisikal at emosyonal na ligtas na kapaligiran. 

Ang team ng PrimeTime ay isang pagtutulungan kasama ang kawani ng Pinahabang Mga Oportunidad sa Pag-aaral ng Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego, mga organisasyong Ka-partner ng PrimeTime, at iba pang mga departamento, programa, at indibidwal ng SDUSD.

PAGIGING KARAPAT-DAPAT NG ESTUDYANTE
Dapat naka-enrol ang iyong (mga) anak sa regular na araw ng pasukan sa paaralan kung saan ka nag-aaplay para sa PrimeTime, nalalapat din ito sa mga pamilya na may mga estudyante sa UTK na edad apat (4) sa Setyembre 1, 2023; at Kindergarten (K).  Ang lahat ng pamilya na may mga anak sa elementarya at gitnang paaralan na interesadong lumahok sa PrimeTime para sa 2023-24 taon ng pag-aaral ay kinakailangang magsumite ng online na aplikasyon. Kabilang dito ang mga batang kasalukuyang kalahok sa PrimeTime at mga bata na nasa listahan ng naghihintay (wait list).

PROSESO NG APLIKASYON
Kinakailangang makumpleto ang isang aplikasyon para sa bawat bata na nag-aaplay para sa PrimeTime. Ang aplikasyon sa taong ito ay magiging available online simula Lunes, Marso 6, 2023, sa 8:00 ng umaga PST (Pacific Standard Time). Kinakailangan ng email address at access sa internet upang gumawa ng account para makumpleto ang isang aplikasyon. Kinakailangang makumpleto at maisumite online ang aplikasyon. I-click upang tingnan ang isang halimbawa ng aplikasyon. Maaari mong i-access ang aplikasyon gamit ang isang mobile device gaya ng cell phone o tablet na may koneksyon sa internet.

Para maghanda nang maaga, kakailanganin mo ang legal na pangalan, legal na apelyido, araw ng kapanganakan, at SDUSD Student ID# ng iyong anak (available sa ulat ng pag-unlad at report card ng bata).  Mangyaring bisitahin ang sandiegounified.org/primetime upang i-access ang 2023-24 Online na Aplikasyon sa Programa ng PrimeTime. Kung kailangan mo ng tulong sa pagkumpleto ng aplikasyon, mag-click DITO para sa tulong.

Ang lahat ng impormasyong ibinibigay sa aplikasyon ay sumasailalim sa beripikasyon. Ang pamemeke ng alinman sa impormasyon ay maaaring mag-alis ng karapatan sa aplikante na makatanggap ng mga serbisyo ng PrimeTime.

ANG PAGSUSUMITE NG APLIKASYON AY HINDI NAGBIBIGAY NG GARANTIYA NG PAGLAHOK SA PRIMETIME
Inaasahan na ang mangangailangan ng mga serbisyo ng PrimeTime ay maaaring lumampas sa kapasidad ng programa sa karamihan ng mga paaralan; kaya naman, napakahalaga na makumpleto at maisumite ang aplikasyon sa loob ng timeline ng paunang aplikasyon. Ang mga aplikante ay tinatanggap sa programa batay sa sistema ng rating na nakasaad sa ibaba, hanggang sa kapasidad para sa bawat programa ng paaralan.

TIMELINE NG PAUNANG APLIKASYON (Marso 6, 2023 - Abril 14, 2023)
Ang mga aplikasyon ay magiging available online simula Lunes, Marso 6, sa 8:00 ng umaga PST at dapat makumpleto at maisumite online sa Biyernes, Abril 14, sa 9:59 ng gabi PST upang maisama sa paunang pagsusuri at proseso ng pagpapatala.

ABISO NG STATUS NG APLIKASYON (Hunyo 16, 2023)
Ang mga magulang/tagapag-alaga na kumumpleto at nagsumite ng aplikasyon sa loob ng time ng paunang aplikasyon ay aabisuhan sa pamamagitan ng email ng status ng kanilang aplikasyon sa Biyernes, Hunyo 16. Ang email ay magbibigay ng abiso sa mga pamilya kung ang kanilang (mga) anak ay tinaggap na lumahok, inilagay sa isang listahan ng naghihintay (wait list), o hindi karapat-dapat para sab ago at/o pagkatapos pumasok sa paaralan na Programa ng PrimeTime.

SISTEMA NG RATING NG APLIKASYON
Ang mga nakumpletong aplikasyon na isinumite sa takdang panahon sa timeline ng paunang aplikasyon ay susuriin para sa unang panahon ng pagpapatala. Tatanggapin ang mga bata para lumahok batay sa sistema ng rating ng aplikasyon na nakadetalye sa ibaba, hanggang sa kapasidad para sa bawat programa ng paaralan. Kapag naabot na ng PrimeTime ang kapasidad nito, ang mga batang hindi tinanggap para lumahok ay ilalagay sa isang listahan ng naghihintay (wait list), sa parehong pagkakasunod-sunod ng prayoridad, at tatanggapin kapag available na ang espasyo.

Maaaring piliin ng mga magulang/tagapag-alaga na papasukin ang kanilang (mga) anak sa alinman sa bago pumasok sa paaralan at/o pagkatapos pumasok sa paaralan na mga programa, kung naaangkop. Ang pagpili lamang ng bago pumasok sa paaralan o pagkatapos pumasok na paaralan na programa ay hindi makakaapekto sa rating ng aplikasyon.

Ang bawat aplikasyon ay bibigyan ng prayoridad gamit ang sumusunod na sistema ng rating:

Batang nakikilahok sa PrimeTime sa panahon ng 2022-23 taon ng
pag-aaral O batang nasa listahan ng naghihintay (wait list) ng PrimeTime
noong Marso 1, 2023. 1 Puntos

Solong magulang na sambahayan O mga pamilya na may iisang
magulang/tagapag-alaga na kasalukuyang nasa military deployment
(maaaring kailanganin ang isang kopya ng orders kapag hiniling). 1 Puntos

Ang lahat ng magulang/tagapag-alaga na naninirahan kasama ang bata
ay nagtatrabaho nang buong oras (40 oras bawat linggo) at/o mga full time
na estudyante (naka-enrol na may hindi bababa sa 12 unit). 1 Puntos

Mga batang nakikilahok sa Libre/Pinababang Presyo ng Pagkain na
Programa ng SDUSD, batay sa data ng SDUSD. 1 Puntos

Bata na inirekomendo ng Distrito para sa tulong pang-akademiko, batay sa
Report Card na Nakabatay sa Mga Pamantayan ng SDUSD (SDUSD Standards
Based Report Card)/Nag-aaral ng Wikang Ingles para sa elementarya at mga
marka ng kurso para sa gitnang antas. 1 Puntos

Kabuuang Puntos na Posible 5 Puntos

Ang lahat ng estudyanteng walang tahanan at nasa pangangalaga ng bahay ampunan (foster care) ay makakatanggap ng pinakamataas na prayoridad para sa pagpapatala.

LISTAHAN NG PRAYORIDAD
Ang unang prayoridad para sa pakikilahok ay ibibigay sa mga aplikasyon na na-rate ng limang (5) puntos at ang huling prayoridad ay ibibigay sa mga aplikasyon na na-rate ng walang (0) puntos. Sa mga kaso kung saan ang isang pagpapasiya ay dapat gawin sa pagitan ng dalawa at higit pang aplikasyon na may parehong puntos, ang pagpili para sa pagtanggap ay ibabatay sa petsa at oras ng online na pagsusumite ng mga nakumpletong aplikasyon.

MGA APLIKASYON NA NAISUMITE PAGKATAPOS NG ABRIL 14, 2023
Tinatanggap ang mga aplikasyon sa buong taon ng pag-aaral. Ang mga aplikasyon na naisumite pagktapos ng Abril 14, ay bibigyang-konsiderasyon sa pagkakasunod-sunod ng prayoridad, habang nagkakaroon ng available na espasyo, ayon sa sistema ng rating na nakalista sa itaas.

MGA TINANGGAP NA ESTUDYANTE (Hunyo 16 hanggang Hulyo 21, 2023)
Kapag naabisuhan ng pagkakatanggap, ang 2023-24 Mga Form sa Paglahok ng Estudyante sa PrimeTime ay kinakailangang kumpletuhin bago magsimulang lumahok ang iyong anak sa programa. Ang 2023-24 Mga Form sa Paglahok ng Estudyante ay magiging available sa website ng PrimeTime at sa pamamagitan ng organisasyong nagbibigay ng mga serbisyo sa paraalan ng iyong anak. Dapat isumite ang mga form sa pagitan ng Biyernes, Hunyo 16, hanggang Biyernes, Hulyo 21.  Ang mga estudyante na may hindi kumpletong 2023-24 Mga Form sa Paglahok ng Estudyante ay maaaring matanggal sa pagkakatala mula sa PrimeTime. 

Ang mga estudyanteng tinanggap pagkatapos ng panahon ng paunang aplikasyon, ay kailangang isumite ang kanilang 2023-24 Form sa Paglahok ng Estudyante sa sandaling matanggap ang abiso, upang makalahok sa programa.

KARAGDAGANG IMPORMASYON
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa PrimeTime sa paaralan ng iyong anak, makipag-uganyan sa Ka-partner ng PrimeTime na nagbibigay ng mga serbisyo. Mag-click dito para sa Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan sa Ka-partner ng PrimeTime. Para sa mga katanungan tungkol sa pangangasiwa ng programa, mangyaring makipag-ugnayan sa isa sa aming Kawani ng SuportaUpang suriin o aralin ang Plano ng Programa ng Pinahabang Mga Oportunidad sa Pag-aaral, mangyaring mag-click dito.