2023-24 Tinanggap na Mga Estudyante ng PrimeTime 

PROSESO AT PANAHON NG PAGPAPAREHISTRO NG MGA TINANGGAP NA ESTUDYANTE (bago ang Biyernes, Hulyo 28, 2023):

Kapag natanggap ng magulang/tagapag-alaga ang abiso ng pagtanggap, kakailanganin nilang kumpletuhin at pirmahan ang mga elektronikong form para sa 2023-24 Paglahok ng Estudyante sa Programa ng PrimeTime (PrimeTime Program Student Participation) [English|Spanish|Tagalog|Somali|Vietnamese], at suriin ang 2023-24 Handbook ng Magulang/Tagapag-alaga [English|Spanish|Tagalog|Somali|Vietnamese].  Ang mga nakumpletong form ay kailangang isumite sa pamamagitan ng email bago ang Biyernes, Hulyo 28, 2023, upang makasali sa 2023-24 Programa ng PrimeTime simula Agosto 21, 2023. Mangyaring isumite ang Mga Form sa Paglahok ng Estudyante sa PrimeTime Partner Organization na nagbibigay ng 2023-24 Programa ng PrimeTime sa paaralan na pinaplanong daluhan ng iyong anak sa paparating na taon ng pag-aaral.

2023-24 PROGRAMA NG PRIMETIME PERSONAL NA PAGPUPULONG PARA SA ORYENTASYON NG MAGULANG
Ang Ka-partner ng PrimeTime sa paaralan ng iyong anak ay magsasagawa ng Personal na Pagpupulong para sa Oryentasyon ng Magulang upang magbahagi ng mga iskedyul ng programa, mga nakakaengganyong aktibidad sa programang pang-akademiko at pagpapayaman, mga patakaran, at pamamaraan, ipakilala ang mga miyembro ng kawani at bigyan ka ng pagkakataong magtanong. Ang listahan ng impormasyon sa pagpupulong ng indibidwal na paaralan ay maaaring ma-access dito.