Epekto ng paglabag sa Karapatang Pantao
Paano ka makakatulong sa paglutas sa mga paglabag sa karapatang pantao?
Nalaman mo sa Aralin 1 ang konsepto, uri, batayan at anyo ng sa paglabag sa karapatang pantao. Sa araling ito, matutunghayan mo naman ang sanhi at epekto ng paglabag nito at kung sinu-sino ang lumalabag sa mga karapatang pantao. Mahalagang maunawaan mo ito upang ikaw ay maging bahagi ng mga pagkilos at pagtugon sa mga isyu at hamong ito. Hindi lamang mga namumuno sa pamahalaan at ng mga pangkat na nagsusulong ng kanilang adhikain ang may tungkulin. Bilang isang mag-aaral at kabahagi ng lipunang iyong ginagalawan inaasahang makatutulong ka sa paglutas sa mga paglabag sa karapatang pantao.
Malalaman mo sa araling ito ang sumusunod:
Sino ang lumalabag sa Karapatang Pantao
Mga Sanhi Ng Paglabag Sa Karapatang Pantao
Mga Epekto ng paglabag sa Karapatang Pantao
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusuod:
1. Maipaliwanag ng mga sanhi sa mga paglabag sa mga karapatang pantao at
2. Nasusuri ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa, at sa daigdig
3. Makapagmumungkahi ng mga solusyon sa mga suliranin upang mapangalagaan ang karapatan ng mga tao
Sa bahaging ito ng modyul, iyong mababasa ang isang tula na talaga namang pupukaw sa iyong imahinasyon. Unawain mo itong mabuti sapagkat ito ay makatutulong sa pagtahak mo sa susunod na paksa ng modyul.
Gawain 1: Unawain Mo
Panuto: Basahin ng maigi ang nakalakip na tula at sagutan ang pamprosesong tanong. Ipasa ang iyong gawain sa google classwork.
Karapatang Pantao: Saan ka Patungo?
Ni: Ernie Urriza
Isinilang ang tao, kambal ang karapatan
Karapatang pantao hindi minamana
Likas at natural dadalhin hanggang kamatayan
Nakapaloob sa banal na Koran at Bibliya.
Mahaba na yaring kasaysayan
Subalit karapatang pantao
Madalas pang pagdebatehan
Karapatang pantao, saan ka patungo?
Iba’t-ibang teorya na ang pinagmulan
Maraming teorya din nagpakahulugan
Subalit karapatang pantao madalas yurakan
Diskriminasyon at paglabag, sadyang talamak.
Huwag na tayong lumayo
Sa pag-analisa sa karapatang pantao
Sa ating bansang nililiyag, bansang Pilipinas
Ipinagkakaloob ba sa mamamayan?
Lahat tayo ay likas ang karapatan
Ordinaryong mamamayan o nasa kapangyarihan
Walang makalalamang, dapat pantay-pantay
Subalit ang katotohanan, parehas ba ang timbang?
Bansang Pilipinas, saan ako lulugar?
Kung ang aking karapatang pantao walang patunguhan
Magiging isang buhay subalit karapatan ay hiwalay
O magiging positibo rin, pagdating ng araw?
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng tula?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Anong damdamin ang namayani sa iyo habang binabasa ang tula? Bakit?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Bilang mamamayan, paano ka makatutulong upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Paano nawawala at naisawawalang bahala ang pagkakapantay-pantay ng bawat indibidwal o pangkatan ng mga tao sa ilalim ng batas sa isang lipunan?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
MGA LUMALABAG SA KARAPATANG PANTAO
Sino ang lumalabag sa Karapatang Pantao
May mga taong nakahahadlang sa pagtatamasa ng mga karapatan o nagiging sanhi ng paglabag sa karapatang pantao. May mga kasong napabalita na kinasangkutang ng iba’t ibang tao.
1. Mga magulang at nakatatanda – May mga magulang nan ang-aabuso at nananakit ng kanilang sariling anak.
2. Mga kamag-anak, kaibiga, at ibang tao sa paligid – Masakit mang isipin subalit maging ang mga taong malapit sa atin tulad ng ating mga kamag-anak at kaibigan na ating pinagkakatiwalaan ay maari din tayong saktan at gawan ng masam.
3. Mga kawani, opisyal, at pinuno – May mga tauhan at pinuno ang pamahalaan ng pang-aabuso sa kanilang tungkulin at sa mga karapatan ng taumbayan. Dahil sa kanilang pansariling interes, nalalabag nila ang mga karapatang ng mga mamamayan.
4. Mga kriminal – May mga taong nagnanakaw ng mga ari-arian ng iba. Mayroon din mga nananakit at pumapatay dahil sa masasamang intensisyon o layunin.
5. Mga terorista at mga samahang laban sa bansa – May mga samahang naglalayong pabagsakin ang ating bansa. Ang ilan dito ay ang mga samahang New People’s Army. Sila umano ay pumapatay at nagpapasabog ng bomba kung saan-saan upang lumikha ng kaguluhan, takot, at tensisyo sa lipunan. Sa kabilang dako, sinasabing ginagawa nila ito para ipaglaban ang kanilang karapatang magkaroon ng Kalayaan sa mapang-abusong pamahalaan at magtatag ng sariling pamahalaan.
MGA SANHI NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
Mayroong tatlong sanhi na maaaring makapagpaliwanag sa mga paglabag sa mga karapatang pantao. Ating alamin kung bakit nagiging sanhi ang bawat isa.
1. Ideolohiya
- May mga paniniwalang nais isulong ng isang pangkat ng lipunan upang idikta sa iba pang pangkat ang nararapat na pagpapatakbo sa buhay ng tao
rito. Ang tawag dito ay ideolohiya. Ang ideolohiya ay ang iba-ibang pananaw ng tao na humuhubog sa mga damdamin at pangarap ng tao tungo sa hinahangad nitong kaayusan ng kaniyang buhay.
- Sa isang lipunan, may kinikilalang kalakaran o kaayusan na naaayon sa pamumuhay ng bawat tao. Nguit maaari itong makita bilang mapanupil sa kaayusan ng ibang tao sa loob ng lipunan.
- Dahil sa pagiging maramot ng iilang grupo ng tao sa mga likas na yaman, nagkakaroonnaman ng panunupil sa karapatan sa masaganang pamumuhay ng ibang taong nangangailangan nito. Makikita ito sa kalakaran ng ekonomiya at sa konsepto ng kakapusan ng mga likas na yaman.
MGA EPEKTO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
Malaki ang epekto sa pamayanan, bansa, at sa daigdig ang paglabag sa mga karapatang pantao tulad ng mga sumusunod:
1. Kahirapan
- Dahil sa panlalamang ng iisang pangkat ng tao sa larangan ng ekonomiya, nagkakaroon ng paglabag sa karapatang pantao. Ang isang bunga nito ay kahirapan. Ang kawalan ng sapat na ikabubuhay ang pangunanahing larawan ng kahirapan. Nagkakaroon ng hindi pantay na pagbibigay ng pangangailangan ng bawat tao at nagkukulang ang karamihan nito.
2. Kaguluhan at Karahasan
- Nagiging bunga ng mga pagkakaiba sa ideolohiya at sa kalakaran ng lipunan ang kaguluhan at karahasan tuwing ito ay isinusulong at idinidikta ng isang pangkat ng lipunan sa iba pang pangkat. Isang halimbawa nito ay ang terorismo. Ito ay ang paggamit ng pananakot at dahas upang isulong ang nais na kaayusan ng isang pangkat ng lipunan.
3. Kawalan ng Moralidad
- Nawawalan ng pamantayan para sa kabutihan ng lahat kapag may paglabag sa karapatang pantao. Hindi nakikita ang mabuti sa masama o ang tama sa mali at nawawalan na ng galang para sa mga mahahalagang elemento ng lipunan, lalo na sa pamilya, tao o grupong lumalabag sa mga karapatan ng iba.
Gawain 2: Punan mo Ako!
Panuto: Mag-interbyu ng isang mag-aaral sa elementarya at high school, at isang magulang sa iyong pamayanan tungkol sa kanilang kamalayan at pananaw sa mga paglabag sa karapatang tao. Paano tinutugunan ng inyong komunidad ang isyu at hamon? I-encode ang kanilang mga sagot sa isang letter-sized na bond paper kasama ang mga larawan ng iyong aktwal na pakikipanayam. Pagkatapos ay ibigay ang hinihingi sa bawat kolum. Ipasa ang iyong gawa sa google classroom.
Gawain 3: E-Poster!
Panuto: Paano ka makatutulong sa pagtugon at paano mo itataas ang kamalayan sa iba’t ibang isyu sa Karapatang Pantao? Gumawa ng poster na advertisement sa isang letter-sized na bond paper at mag-upload ng larawan ng iyong gawa na may pirma sa iyong buong pangalan sa kanang ibaba.
Ilan sa mahahalagang katangian na makikita sa poster:
Suliranin
Sanhi
Bunga
Solusyon/Pagtugon