Mga Isyu sa
Karapatang Pantao
Mga Isyu sa
Karapatang Pantao
Alamin
Ang paglabag sa karapatang pantao ay isang seryosong usapin. Ang mga isyung may kaugnay sa karapatang pantao ay nagiging mas lalong mahalaga sa kasalukuyan sapagkat araw-araw ay maraming paglabag sa karapatang pantao ang nangyayari. Ang lahat ng tao ay may pantay-pantay na karapatan ngunit nawawala ang pagkakapantay-pantay kapag nasusupil, ipagkakait o nilalabag ang mga karapatan ng iba.
Ano-anong hakbang ang maaari mong isagawa upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng bawat indibidwal o pangkatan ng mga tao sa isang lipunan?
Ang modyul na ito ay tungkol sa mga “Isyu sa Karapatang Pantao”. Ito ay nahahati sa sumusunod na paksa:
Paksa 1: Anyo ng Paglabag sa Karapatang Pantao
Paksa 2: Epekto ng paglabag sa karapatang pantao
Paksa 3: Mga Halimbawa Ng Paglabag Sa Karapatang Pantao Sa Pamayanan, Bansa, At Daigdig
Sa pagtalakay sa mga aralin ukol dito, magkakaroon ka ng pang-unawa sa kahalagahan ng karapatang pantao sa pagsusulong ng pagkapantay-pantay at respeto sa tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa, at daidig.
Pagkatapos mong basahin at isagawa ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Nakapagpaplano ng symposium na tumatalakay sa kaugnayan ng karapatang pantao at pagtugon sa responsibilidad bilang mamamayan tungo sa pagpapanatili ng isang pamayanan at bansa na kumikilala sa karapatang pantao
Nasusuri ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao
Nasusuri ang mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa, at daigdig
Nakapagmumungkahi ng ng mga pamamaraan sa pangangalaga ng karapatang pantao
Bilang isang tao, alam mo ba ang iyong mga karapatan? Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng karapatang pangtao? Bilang isang mamamayan mahalaga na alam mo ang sagot sa mga katanungang tulad nito. Mahalaga na alam mo ang iyong karapatan bilang isang tao at dapat alam mo kung ano ang tunay na ibigsabihin nito. Alam mo ba kung bakit may mga isyu sa karapatang pantao? Ito ay sa kadahilanang may mga taong walang alam o kulang ang kanilang kaalaman patungkol sa kanilang mga karapatan. Sila ang mga taong madalas na nilalamangan at minsan hindi nila namamalayan na inaapakan na pala ang kanilang mga karapatan. Sa kabilang banda, kung wala kang alam patungkol sa karapatang pantao maari ring ikaw mismo ang magkamali, makagawa ng mali sa iyong kapwa na hindi mo alam at wala sa iyong intensnyon. Kaya mahalaga na may alam ka.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Makapagpapaliwanag ng konsepto ng karapatang pantao at ang mga anyo ng paglabag nito;
2. Makasusuri ng mga uri ng karapatang pantao at makapagbibigay-halimbawa ng mga karapatan sa bawat uri; at
3. Makapagpapahayag ng mga kalagayan ng karapatang pantao
Nalaman mo sa Aralin 1 ang konsepto, uri, batayan at anyo ng sa paglabag sa karapatang pantao. Sa araling ito, matutunghayan mo naman ang sanhi at epekto ng paglabag nito at kung sinu-sino ang lumalabag sa mga karapatang pantao. Mahalagang maunawaan mo ito upang ikaw ay maging bahagi ng mga pagkilos at pagtugon sa mga isyu at hamong ito. Hindi lamang mga namumuno sa pamahalaan at ng mga pangkat na nagsusulong ng kanilang adhikain ang may tungkulin. Bilang isang mag-aaral at kabahagi ng lipunang iyong ginagalawan inaasahang masasagot mo ang tanong na: Paano ka makatutulong sa pagtugon sa iba’t ibang isyu at hamon sa Karapatang pantao?
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusuod:
1. Maipaliwanag ng mga sanhi sa mga paglabag sa mga karapatang pantao at
2. Nasusuri ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa, at sa daigdig
3. Makapagmumungkahi ng mga solusyon sa mga suliranin upang mapangalagaan ang karapatan ng mga tao
Malalaman mo naman sa araling ito ang iba’t ibang uri ng paglabag sa karapatang pantao. Tatalakayin ang tatlo sa mga pinakamaraming halimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao. At unawain natin ang mga taong naging biktima ng mga ganitong paglabag. Pag-isipan mo rin kung paano nating matutulungan ang mga biktima sa mga halimbawang tatalakayin.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Makapagsusuri ng iba’t ibang halimbawa ng paglabag sa karapatang
pantao;
2. Makapagpapaliwanag ng mga sitwasyon ng paglabag sa karapatang
pantao sa iba’t ibang kapaligiran; at
3. Makapaglalahad ng mga hakbang upang matugonan ang mga isyu
karapatang pantao
Paglalahat
Ang pag-aaral sa Paglabag sa Karapatang Pantao sa konteksto ng mga pangyayaring ating nararanasan ngayon sa ating bansa ay malaking tulong upang maging isang mabuting mamamayan. Sa araling ito, iyong natutunan ang tatlong anyo ng paglabag sa karapatang pantao: pisikal, sikolohikal at emosyonal, at estruktural o sistematikong paglabag. Tatlo rin ang maaaring maging epekto ng paglabag sa karapatang pantao: kahirapan, kaguluhan at karahasan at kawalan ng moralidad. Maaari ring magsama-sama ang mga epekto na ito sa isang lipunan. Upang makatugon sa mga paglabag sa mga karapatang pantao, kinakailangang pangalagaan ang mga karapatan sa pamamagitan ng edukasyon tungkol sa karapatang pantao at ipagtanggol ang mga karapatan sa pamamagitan ng pagpaparating sa kinauukulan ng mga naturang kaso upang mabigyan ito ng karampatang solusyon.