SALINLAYA

Ang “Salinlaya” ay salitang tumutukoy sa malayang pagpapasa ng kaalaman, aral, at pag-unawa mula sa isang pinagmumulan tungo sa isang mag-aaral o mambabasa. Nakasentro ang website na ito sa pagbibigay ng makabuluhang pagkatuto sa Wikang Filipino, partikular sa tamang paggamit ng mga salita, paglinang ng talasalitaan, at pag-unawa sa mga tekstong pampanitikan gaya ng Urbana at Feliza. Layunin ng Salinlaya na maging daluyan ng malayang pagkatuto kung saan ang wika at panitikan ay naipapasa, napauunlad, at nagagamit nang may lalim at pagpapahalaga.