Nalilinang ang kakayahan sa makrong kasanayan sa
pamamagitan ng kritikal na pag-iisip.
2. Nagagamit ang kaalaman sa mabisang pagsulat.
3. Naipapakita ang mga kasanayan sa pagsulat gamit ang
mga gabay
1. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o paggamit ng anumang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)
2. Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et al., 2002)
3. Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
4. Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang
pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
Para kay James Kinneavy (1971) may limang kategorya sa pagsulat na naging rason kung bakit nagsusulat ang tao. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Ekspresiv - Personal na pagsulat upang maipahayag ang sarili
2. Formulari - Isang mataas at istandardisadong pasulat katulad ng kasulutan o kasunduan sa negosyo o bisnes at iba pang transyong legal, politikal, at pang- ekonomiya
3. Imaginativ- ginagamit upang mabigyang-ekspresyon ang mapanilikhang
imahinasyon ng manunulat sa pagsulat ng mga dula, awit, tula, isksrip atbp.
4. Informativ- Upang magbigay ng mahahalagang inpormasyon at ebidensya
5. Persweysiv- Upang makapanghikayat, mapaniwala ang mambabasa dahil sa mga ebidensya katibayang ipinahayag
Akademik – Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
kritikal na sanaysay
lab report
eksperimento
term paper o pamanahong papel
Teknikal – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin.
ulat panlaboratoryo
kompyuter
Jornalistik – saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.
Referensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa.
Bibliography, index, note cards
Profesyonal – uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa isang tiyak na propesyon.
police report
investigative report
legal forms
medical report
Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay ang
imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring fiksyonal at di- fiksyonal ang akdang isinusulat.
pagsulat ng tula
nobela
maikling katha
PROSESO NG PAGSULAT
1. Panimulang Pagsusulat (Pre-writing)
Brainstorming
Mapping at webbing
Pagbasa ng sinulat na akda ng iba
Paggamit ng larawan, texts tuwirang sipi upang gumana ang isipan
2. Aktwal na pagsulat (drafting) (actual writing)
Pagkuha ng pinakamahalagang ideya mula sa panimulang pagsulat at pagpapalusog ng mga ideyang ito.
Pagkilala sa awdyens o babasa; layunin sa pagsulat at ang paggamit nito upang makalikha ng draft o balangkas
Pakikipag-komperensya sa kasamahan
Pag-organisa ng mga ideya
3. Muling pagsulat (rewriting)
Rebisyon
Pagbasa sa teksto at paglilimi sa kasapatan o kakulangan ng pagkakasulat
Pagkuha ng fidbak mula sa kasamahan
Pagtatanong sa sarili kung nasagot ng sulatin ang kailangan masagot sa paksa
Nagawa ba ang lohikal na presentasyon- simula, gitna at wakas
4. Pagrerebisa (revising)
Nasunod ba ang panuntunan sa pagsulat tulad ng talataan, sintaks,
pagpili ng mga salita, ispeling, bantas at gamit ng malalaking titik at
kabuuan
Ang isang mabisang sulatin ay dinadaan sa iba't ibang hakbang na bumubuo sa proseso ng pagsulat.
Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impormasyon at ideya para sa sulatin. Dito isinasagawa ang pagpaplano na binubuo ng paglikha, pagtuklas, pagdebelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga ideya. Ito ang hakbang na maghahanda sa manunulat bago niya buuin ang kanyang burador.
Sa hakbang na ito isinasalin na ng manunulat ang kanyang mga ideya sa mga pangungusap at talata. Nag-eeksperimento na ang manunulat sa pagbuo ng kanyang sulatin. Malaya siyang gumamit ng iba't ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng kanyang mga ideya. Sa hakbang na ito, malaya niyang inaalis, dinadagdagan o isinasaayos muli ang mga detalye. Gayun paman, hindi parin niya binibigyan ng gaanong pansin ang pagwawasto sa mga kamalian sa gramatika, sa gamit ng wika at sa mekaniks.
Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay nangangahulugan ng muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipang nasa sulatin upang tumugma sa iniisip ng manunulat. ang hakbang na ito ay nasasangkot sa maraming pagbabago sa nilalaman, sa organisasyon ng mga ideya at sa istraktura ng mga pangungusap at talata. Maaari pa ring baguhin sa hakbang na ito ang paksa, magdagdag g mga detalye at muling isaayos ang buong sulatin.
Sanggunian:
Cruz, Isagani R.. 1997. “Pagsulat, Maituturo.” Sa Buhay at Lipunan: Filipino para sa mga
Agham Pantao ni Teresita Fortunato. Manila: De La Salle University Press
Eisenberg, Bryan. 2003. “Effective Skimming and Scanning.” http:
//www.clikz.com/experts/crm/traffic/article.ph/1555633.
Garcia, L. et al. (2010). Tinig: Komunikasyon sa akademikong Filipino. (ika-3 ed).
Cabanutuan City: Jimcy Publishing House.
Pagkalinawan, et al. (2004). Filipino I: Komunikasyon sa akademikong Filipino.
Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.
Villarin, Jose T., S.J. “Kung Susulat ka” sa Likha. Benilda S. Santos (ed.). Lungsod
Quezon: 2000