Masusing Banghay Aralin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga estudyante ay inaasahang:
1) Naipapaliwanag ang tema at mahahalagang kaisipang nakapaloob sa akda
2) Naipahayag ang sariling damdamin o kuro-kuro tungkol sa akdang binasa.
3) Nabibigkas ng wasto ang mga salita na nakapaloob sa akda.
Ang pagbasa ay isa sa apat na kasanayang pangwika na kasama ng pakikinig , pagsasalitaat pagsulat. Sa pamamagitan nito, nakikilala at nakukuha ang mga ideya at kaisipan samga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng naisibahagi ng may akda sa babasa ng knyang isinulat. Ang gawasing ito ay isang mental nahakbangin tungo sa pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga isinulat ng mayakda.
1. Ang pagbasa sa akda
2. Ang pag-unawa sa binasa
3. Ang reaksiyon sa binasa
4. Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng dating kaalamanAng pagbasa ay ginagawa sa iba’t ibang kadahilanan.
May mga bumabasa upangkumuha ng kaalaman at karunungan. Ito ay kailangan ng tao upang hindi siya maiwansa takbo ng panahon lalo na ngayon na maraming bagong kaalaman ang natutuklasan sapamamagitan ng panteknolohiya.
Ang mga nangyayari ay nababatid din ng tao dahil sapagbabasa ng mga pahayagan,magasin at iba pa. ito ay nagiging daan upang magingmaalam at magkaroon siya ng kamulatan sa mga nangyayari sa lipunan nakinabibilangan.
Mainam din pamapalipas oras ang pagbabasa dahil bukod samaituturing itong pampalipas oras.
1. Persepsyon o pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo;
2. Pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbolo;
3. Reaksyon o paghatol ng kawastuhan,kahusayan,at hala ng tekstong binasa; at
4. Asimilasyon at integrasyon ng binasang teksto sa mga karanasan ng mambabasa.
1. Ang skimming o pinaraanang pagbasa ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao. Ito ay nangangahulugan din ng pagtingin sa isang teksto o kabanata nang mabilisan para magkaroon ng pangkalahatang ideya sa nilalaman ng materyal at kasanayan sa pagkilala ng salita upang maunawaan ang isang teksto. Ginagamit ito sa:
a. Pagpili ng aklat o magasin;
b. Pagtingin ng mga kabanata ng aklat bago basahin ng tuluyan;
c. Paghahanap ng tamang artikulo sa pananaliksik; at
d. Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman.
2. Ang scanning anaman ay tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Sa uring ito ng pagbasa hindi na hinahahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil ang mahalaga rito ay makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan.
Halimbawa: Kung may hinahanap kang partikular na pangalan sa isang direktoryo, titingnan monang mabilisan ang pahina na kailangan mo para makita agad ang partikular napangalan at numero ng telepono.
Ang pagbasa ay isang kasanayang pangwika. Ito’y kinapapalooban ng mga kasanayantungo sa pagkaunawa ng binasa. Ang pagpapabasa ng guro sa mga mag-aaral ng mgaaklat, magasin at pahayagan at iba’t ibang akdang pampanitikan ay may layuning hindilamang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa nais din nitong magbigayng kaalaman kaugnay sa pagmamahal sa Diyos at sa bayan.
1. Pag-unawang literal Pagpuna sa mga detalye
Pagpuna sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Pagsunod sa panuto
Pagbubuod o paglalagom sa binasa
Paggawa ng balangkas
Pagkuha ng pangunahing kaisipan Paghahanap ng katugunan sa tiyak na katanungan
Pagbibigay ng katotohanan (facts) upang mapatunayan angb isang nalalaman na
Paghahanap ng katibayan para sa o laban sa isang pansamantalang kongklusyon
Pagkilala sa mga tauhan
2. Pagbibigay ng Interpretasyon
Pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda na kalakip ang mga karagdagang kahulugan, implikasyon at pagkilala sa tunay na hangarin at layunin ng may-akda.
Pagdama sa katangian ng tauhan
Pag-unawa sa mga tayutay at patalinghagang kahulugan
Pahinuha ng mga katuturan o kahulugan
Pagbibigay ng kuro-kuro o opinion Paghula sa kalabasan
3. Mapanuri o kritikal na pagbasa
Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad. Tinatawag itong mapanuring pagbabasa.
Pagbibigay ng reaksyon
Pag-iisip na masaklaw at malawak Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad
Pagdama sa pananw ng may-akda
Pag-unawa sa mga impresyon o kakintalang nadarama
Pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisipsn ng diwa ng mga pangungusap
Pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa isang talataan
Pagtatalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng kwento
Pagpapasya tungkol sa kabisaan ng paglalahad
4. Paglalapat o Aplikasyon
Pagbibigay ng opinion at reaksyon
Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay na pangyayari sa buhay
Pagpapayaman ng talakayan tungkol sa paglalahad ng mga kaugnay na karanasan
Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon
Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay asa sariling karanasan
5. Pagpapahalaga
Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain
Pagbabago sa wakas ng kwento
Pagbabago sa pamagat ng kwento
Pagbabago sa mga katangian ng mga tauhan
Pagbabago sa mga pangyayari sa kwento
Paglikha ng sariling kwento batay sa binasa
Pagsasadula ng akdang binasa
Pagbigkas ng tulang binasa Pagkuha ng Kahulugan ng mga Salita
Mga Denotasyon at KonotasyonDenotasyon – ay kahulugan na makukuha sa mga talatinigan o diksyunaryo. Tumutukoy sa literal na kahulugan.
Halimbawa:
Ayaw ko ng isdang bangus kasi matinik ito.Konotasyon – ay makukuha ang kahulugan batay sa pagpapahiwatig ng isang salita oparilala at iba pa.
Ito rin ay pagbibigay ng iba pang kahulugan maliban sa tunay nakahulugan nito.
Halimbawa: Mahusay si Ana sa Matematiks, matinik talaga siya.
Tayutay ay isang paraan ng pagpapahayag ng pampanitikang salita o pangungusap na mayhugis o lumilihis sa patalinghaga.
Ang pagbubuod ay pinaikling katha o akda. Sa paggawa nito, inaayos angpagkakasunod sunod ng mga pangyayari mula sa simula hanggang wakas.
Gabay sa paggawa ng Buod o Abstrak
Basahing Mabuti ang orihinal na teksto o akda Kunin ang pangunahing ideya ng ginagamit sa teksto.
Piliin ang mga pantulong na ideya na ginagamit sa teksto. Itala ang mga mahahalagang salita na kailangang panitihin sa paggawa ng buod.
Huwag nang isama ang mga impormasyon na hindi gaanong mahalaga.
Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ng mga datos.
Mahalaga na panatilihin sa buod ang pinakadiwa ng tekstong binasa.
Sanggunian:
https://scribd.vdownloaders.com/document/480929850/Makrong-Kasanayan-sa-Pagbasa